^

PSN Opinyon

Multi-specialty hospital sa Quezon raratsada na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Natutuwa ako at pinirmahan na ni President Duterte ang panukalang batas sa pagtatayo ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center (SLMSMC) sa Tayabas, Quezon.

Ang Bill ay naging Republic Act No. 11702. Congrats kina Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan at Rep. Mark Enverga. Sila ang magkatuwang na umakda ng Bill sa pagtatayo ng nasabing medical center. Ito ang kauna-unahang pagamutan para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at magiging apex hospital o end-referral hospital sa lugar.

Mangangasiwa rito ang Department of Health para tiyakin ang pagbibigay ng mahusay, epektibo at abot-kayang serbisyong pangkalusugan lalo na sa mahihirap na kababayan. Nagpasalamat si Rep. Tan kay President Duterte sa pagsasabatas na ayon sa kanya ay alinsunod sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Act na kanya ring isinabatas.

Aniya, maraming mahihirap na may sakit ang makiki­na­bang sa pagtatayo ng SLMSMC. Malaking tulong ang pagtatayo ng ospital. Hindi na magsisiksikan ang ma­ra­ming­ mahihirap na pasyente sa Kamaynilaan at higit na mabibigyan ng kagyat na atensyong medikal ang mga may karam­daman sa Southern Tagalog na may pinaka­mataas na bilang ng populasyon sa buong bansa.

Makikinabang ang mga pasyente sa Bicol at maging sa Metro Manila na katatagpuan din ng mga specialty hospitals tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, at Lung Center of the Philippines, bukod sa iba pang mga specialty hospitals.

HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with