^

PSN Opinyon

Walang matutulog sa araw ng bilangan!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Labing-anim na araw na lamang, araw na ng botohan. Kaya si presidential aspirant Bongbong Marcos, may pana­wagan sa publiko.

Wala raw tulugan pagdating ng botohan. Sabay-sabay raw magbantay sa oras ng bilangan, baka raw kasi sa isang iglap ay may pagbabagong magaganap.

Huwag daw magpaka-kampante ngayong panahon ng eleksiyon lalo na sa araw ng bilangan. Magbantay habang nagbibilang ng mga boto. Baka kapag nakaidlip ng konti, kapag makalingat ng saglit baka magkaroon ng magic.

Ibig sabihin ni BBM, lahat dapat ay maging masigasig sa pagbabantay ng mga boto natin. Huwag bigyan ng puwang­, oportunidad o pagnanasa na gumawa ng isang bagay na hindi maganda.

Huwag bigyan ng pagkakataon ang mga tao o grupo na may masamang balakin na gustong baguhin o mandaya. Halimbawa ay pagbili ng boto, pagbago sa mga numero o pangalan, dapat ibunyag at ipahiya ang mga nasa likod nito. Anumang maitim na balakin, may katumbas na patibong, samahan na ng pagdududa.

Siguraduhin nyong nakahanda’t full charge ang  inyong cellphone para pitik agad kung may nakita kayong bagay na hindi maganda o hindi kanais-nais.

Bantayan din ang Meralco at mga electric cooperative baka biglang magkaroon ng brownout.

Kapag ang tao ay nagbabantay, mag-iisip ang mga tao o grupong walang magawa na ipagpatuloy ang kanilang mga “maitim na balakin.” Ang mga may balak na masama ngayong eleksiyon ay naghihintay lamang ng pagkakataon o tiyempo , naghahanap ng panahon.

Oportunidad kung kailan, saan at ano ang kanilang gagawin. Talagang ingatan natin dahil sa boto natin nakataya ang kinabukasan ng ating bansang Pilipinas.

Sa loob ng 16 na araw, mahalaga na mulat ang mga Pili­pino, aware ika nga. Gising, dapat alerto. Bawal ang lutang.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with