^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryo ng local vegetable farmers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kalbaryo ng local vegetable farmers

Patuloy ang smuggling ng gulay. Dagsa pa rin ang mga imported carrots, sibuyas, bawang at iba pa sa mga palengke sa Metro Manila at karatig na probinsiya. Madaling makilala ang mga imported na gulay sapagkat malalaki kumpara sa mga gulay na inaani sa Benguet. Mas mura rin ang mga ito kumpara sa mga local na gulay. Ang mga imported­ na carrots masyadong matingkad ang kulay at kara­ni­wang makikita sa Divisoria.

Ang mga smuggled na gulay ang dahilan ng kalbaryo ng 130,000 vegetable farmers sa Benguet. Inagawan sila ng ikinabubuhay ng mga ganid na smugglers. At wala namang magawa ang Department of Agriculture kung paano sila puprotektahan laban sa smugglers at sa mga protector nitong pulitiko.

Tatlong hearing na ang isinagawa ng Senado ukol sa vegetable smuggling pero wala pa ring nangyayari. May ikinakasa na namang hearing ang Senado at pipilitin na umano nilang padaluhin si Agriculture Sec. William Dar. Sa tatlong nakaraang pagdinig, hindi dumalo si Dar. Nasa mahalagang meeting umano ito. Ayon kay Senate President Tito Sotto at chair ng committee, ang Senado na ang mag-a-adjust sa schedule ni Dar para ito makadalo.

Sa nakaraang Senate hearing noong Abril 12, nagturuan naman ang Department of Agriculture, Bureau of Customs at Department of Trade and Industry sa nangyayaring talamak na smuggling ng gulay. At habang nagtuturuan ang mga opisyal, ang mga kawawang vegetable farmers ang apektado. Walang nangyaring solusyon sa hearing.

Pinangalanan na ni Sotto ang mga taong nasa likod ng smuggling na sina Manuel Tan, Andrew Chang, Jun Diamante at Leah Cruz alyas “Onion Queen”. Sabi naman ni Edsel Batalla ng National Intelligence Coordination Agency (NICA), 20 smugglers ang nasa kanilang listahan at pinuprotek­tahan ang mga ito ng limang matataas na government officials.

Wakasan ang smuggling ng gulay. Kasuhan ang mga sangkot at protector ng mga ito. Tapusin ang kalbaryo ng mga local na magsasaka ng gulay. Mahabag sa kanila na ninanakawan ng ikinabubuhay.

VEGETABLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with