^

PSN Opinyon

Sawsawerong mga media ang dahilan kaya nagka-letse-letse

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ang tanong ng media reporters ang naging mitsa umano kung bakit naglabas ng saloobin ang mga kandidatong tampok sa naganap na press conference nitong Linggo.

Media ang tinuturong dahilan kung bakit nagmukhang anti-Leni Robredo ang nasabing presscon. Sabi ni Isko Moreno, pinukpok sila ng media sa isyu ni VP Leni.

Bilang mga “gentlemen”, sila raw mga kandidatong humarap sa presscon ay pinaunlakan na lamang ang tanong ng mga media.

Kaso mo ngayon, naging unfair daw ang ibang media­. Inangguluhan na ang kanilang mga sinabi’t naging 2-way race. Dito na nagka-letse-letse.

Ayun tuloy si Yorme, dala ng sama ng loob o bugso ng damdamin, triggered ng mga katanungang mula sa media nasambit na “maari Leni ikaw na lang ang umatras.”

Dito na nabuwisit ang iba. Imbes na masentro ang balita sa plano noong apat na macho na tapusin ang laban­ hanggang sa huli, naangguluhan tuloy na kinawawa nila ang ale.

Nawala ang totoong dahilan kung bakit nagpatawag sila ng presscon, na tuloy lang ang kanilang laban at hindi matitinag hanggang sa huling araw ng eleksiyon.

Kumbaga ang ibig nilang sabihin, kahit matalo at least lumaban kami. At least hindi kami umatras na para bang walang “yagbols”. At least hindi nabili ang aming prinsipyo.

Ang problema, hindi naging interesado ang mga sawsawerong at salsalerong mga media sa anggulong ito. Hindi ganoon ang naging headlines, bagkus kinawawa’t pinagtulungan ng “crying machos’’ ang ale.

Ngayon maraming magagalit sa sinabi kong ito. Hoy Ben Tulfo, eto na naman, hindi ka fair diyan. Ako naman ay nagsasalita lamang batay sa aking analysis.

Wala naman akong sinasabi kung sino ang sinusuportahan ko. Kasalanan ba yun kung nababasa n’yo na sa mga sinusulat ko o sa lumalabas sa bibig ko kung sino man ang napili kong kandidato.

May karapatan din naman akong mamili, pero hindi ko sasabihin.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with