^

PSN Opinyon

Pabor sa atin  o hindi?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kinontra ni Pangulong Duterte ang Senate Bill No. 2395 at House Bill 5793 o ang obligadong pag-rehistro ng lahat ng SIM cards at social media accounts. Ayon sa Palasyo, baka malabag lang ng gobyerno­ ang mga karapatan ng mamamayan partikular sa privacy­, malayang pananalita at posibleng pagmamatyag. Sinang-­ayunan ito ng Makabayan Bloc ng Kongreso dahil masya­­dong maraming impormasyon ang maaaring makuha lang ng gobyerno.

Sa kabilang panig naman, ilang senador ang nadis­maya sa pag-veto ni Duterte sa nasabing batas. Hang­ga’t nananatiling anonymous ang mga gumagamit ng SIM cards tulad ng mga prepaid account at social media­ account, magpapatuloy ang troll farms, fake news, scams, blackmail, poot at iba pang aktibidad na nagagawa sa likod ng pagiging anonymous. May panahon pa para kon­trahin naman ng Kongreso at Senado ang veto ni Duterte sa pamamagitan ng dami ng boto sa bawat kapulungan. Dapat magawa nila iyan kasi sila naman ang nagpasa ng batas.

Ako mismo ay madalas maging biktima ng trolls, poot at fake news. Marami nga ang matatapang lang kasi hindi naman sila nakikilala. Madali ang magkalat ng fake news at kahit magsampa ka ng reklamo o kaso, hindi naman matukoy kaagad ang pinagmulan. Kung rehistrado ang accounts, mas madaling matukoy, mas madaling makasuhan at kung mapatunayang may sala, makulong. Ayon kay Sen. Drilon, magpapatuloy lang ang fake news at scams dahil sa veto ni Duterte. Sinang-ayunan din ito ng ilang senador.

Naiintindihan ko ang pangamba sa batas na iyan kung saan maaaring maabuso ng gobyerno ang impormasyong makukuha. Pero ngayon din naman ay isinusulong ng gobyerno ang National ID kung saan maraming impormasyon din ang makukuha. Bakit isinusulong ito at haharangin naman ang Senate Bill No. 2395 at House Bill 5793? Nagiging malala na nga ang fake news at trolls. Mga matatapang sa internet na nagtatago sa likod ng kani-kanilang gadget o computer. Mga scams na nagagawa sa pamamagitan ng social media. Kung may mga probisyon ang nasabing batas na hindi sinasang-ayunan ng ilang mambabatas, ayusin na ito para maipasa ang batas o kaya’y kontrahin na ng Kongreso at Senado, kung kaya nila, ang veto ni Duterte. Ang mahalaga ay malantad ang lahat ng trolls, scammers at mga nagpapalaganap ng fake news at poot. Ito ang aspeto ng lipunan ngayon na mukhang hindi na nako-kontrol. Ang importante ay pabor sa mamamayan.

vuukle comment

SIM CARD BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with