^

PSN Opinyon

SIM card registration ‘binokya’ ni Duterte

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang intensiyon ng Bill sa sapilitang pagpaparehistro ng mga pre-paid SIM cards. Magiging batas na sana ito pero vineto ni Presidente Duterte. Ang dahilan, sa huling sandali ay may isiningit na probisyon na isinasali ang mga social media platforms sa internet sa mandatory registration.

Kulang kasi sa detalyadong paliwanag tungkol sa sapilitang rehistrasyon ng social media kaya sinabi ng presidente na kailangan pa ang masusing pag-aaral tungkul dito. Pero kung tutuusin, maganda ang layunin ng batas.

Panahon pa ni Presidente Gloria Arroyo ay pinag-uusapan na ito dahil sa lumaganap na terorismo noon na ang ginagamit para pasabugin ang mga bomba ay mga cell phone na may prepaid SIM cards.

Sa ngayon, lalong tumindi ang pangangailangang maiparehisto ang SIM cards. Ito’y  para matukoy ang tunay na may ari kapag ang mga ito ay ginamit sa krimen. Sa ngayon, hindi lang sa terorismo ito nagagamit kundi sa mga scams o panloloko sa pamamagitan ng cell phone at social media.

Sa original version ng bill, prepaid SIM card lang ang inoobligang magparehistro at hindi ang social media. Buti sana kung malinaw at detalyado ang pagpapaliwanag pero hindi. Tiyak, marami ng social media users ang sisigaw na ito’y isang uri ng pagsupil sa karapatan ng pamamahayag.

Gayunman, pabor ako na maisali ang social media upang masugpo ang mga fake accounts na ginagamit sa panloloko at character assassination ng mga pulitiko. Ibalik lang sa Senado ang na-veto na Bill at gawan ng malinaw na eksplanasyon ang probisyong nauukol sa social media. Kailangan natin ang batas na ito.

SIM CARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with