^

PSN Opinyon

NBI, may kinikilingan sa Abra standoff?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Naiiba talaga ang ihip ng hangin tuwing election period sa Pinas. Ang tinutukoy ko mga kosa ay itong standoff sa Pilar, Abra kung saan full praises mismo si President Digong, Interior Sec. Eduardo Año, at PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa excellent handling ng Cordillera police sa sitwasyon. Napatay sa engkuwentro ang isang private army nina Mayor Mark Somera at kapatid na Vice Mayor Jaja Josefina Disono, napasuko ang 14 PAGs at nakumpiska ang 14 de-kalibreng baril.

Ayon pa kay Gen. Carlos, snappy ang handling ng trabaho bunga sa intelligence-driven ito at iniutos n’ya sa iba pang Police Regional Offices na gayahin ang estilo sa kampanya nila versus PAGs para walang semplang ang kanilang operation. Subalit kahit umani man ng papuri ang Cordillera police sa pagbuwag nila ng PAGs sa Abra, aba wala namang bilib sa kanila ang National Bureau of Investigation (NBI)-National Capital Region (NCR). At kaya ko nasabi na naiiba ang sitwasyon dahil imbes na imbestigahan sina Mayor Somera at Vice Mayor Disono sa pag-employ ng PAGs at pag-iingat ng baril, aba ang Cordillera police ang pinag-initan ng NBI-NCR. Diyoskupoooooo! Saan ang hustisya? Hak hak hak!

Kayo na ang bahala mga kosa magsuspetsa kung kanino kumikiling itong taga-NBI-NCR. Hihihi! Kanya-kanyang diskarte lang talaga. Dipugaaaaa!

Dumating itong taga-NBI, sa pamumuno ni Agent Henry Roxas Jr., sa Pilar na armado ng Special Order 000624 na may petsang Marso 29 at pirmado ni Atty. Antonio Pagatpat, ng NBI Regional Operations Service. Sa kanilang coordination sa pulisya, sinabi ng tropa ng NBI na sila ay mag-service ng warrant of arrest and investigation sa kasong multiple murder mula Marso 31 hanggang Abril 3. Kaya lang ang target ng search warrant o pangalan ng suspect ng NBI, na may C-22-03210, ay tinakpan ng itim na tinta. ‘Ika nga ay burado ang name ng suspect. Araguuyyyyy!

Siyempre, dahil maganda naman ang layunin ng NBI, maayos silang pinagbigyan ng PNP. Laking gulat naman ng mga kosa ko sa Abra nang ang mga NBI agents, imbes na hanapin ang murder suspect, eh pumasok sila sa compound ng magkapatid na pulitiko at umalis sila sakay ang apat na sasakyan. Araguuyyyyy! Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Mula noon, hindi na nasilayan itong pulitikong magkapatid sa bayan ng Pilar. Dipugaaaaa!

Sumulpot uli si Atty. Roxas sa Pilar para magsagawa ng “re-enactment” at analysis ng mga baril ng mga pulis na naka-duty noong standoff. Humingi din sila ng records ng insidente at ayon kay Atty. Roxas ay inutusan sila ng NBI operations. Tinanggihan lahat ng kahilingan ng NBI team at sinabihan sila nina Col. Maly Cula, ang Abra PD; Capt. Ronaldo Eslabra, hepe ng Pilar police at Lt. Col. Sover Gonting, chief, Legal Division ng Cordillera police na sumulat muna kina Sec. Año at Gen. Carlos para maging legal ang coordination nila. Mismooooo! Hak hak hak!

Kaya’t umuwing luhaan ang team ni Atty Roxas. Sa ganang akin naman, dapat magharap itong sina Sec. Año at Gen. Carlos at Justice Sec. Menardo Guevarra at NBI director Eric Distor para malutas na ang sigalot na ito na sa tingin ko ay produkto lang ng mis-communication. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with