^

PSN Opinyon

Pinatay ang kalaro (Huling bahagi)  

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Sa may talahiban malapit sa itinuro ni Betty naghanap ang lalaki. Nakita ni Nardo ang katawan ni Alice na nata­takpan ng mga dahon at damo. Nakaharap sa langit ang mukha nito at nakaangat ang dalawang paa sa mas mataas na parte ng lupa. Nakalilis ang puting bestida at ang panty ay isang metro ang layo sa bangkay nito. Si Betty ang nag­sabi kay Nardo na si Baldo ang lasing na kumuha kay Alice.

Kilala rin ni Nardo si Baldo dahil kabarkada siya ng dala­wang anak na lalaki nito at madalas na nasa bahay nila. Tumulong ang dalawang barangay tanod, sina Lando at Cardo, sa paghahanap kay Alice at pati na rin sa pag-alalay sa mga pulis nang suriin ang bangkay at dalhin sa bayan. Nahanap nina Lando at Cardo si Baldo sa bahay ni Nanay Maring. Lasing ang lalaki at parang hindi mapakali.

Sa post mortem examination, napag-alaman na matigas­ na ang bangkay ni Alice at may mga pasa sa kaselanan nito. Kinasuhan si Baldo ng rape with homicide pero tigas na pagtanggi nito. Nang mangyari raw ang krimen ay nasa bahay siya ni Nanay Maring at may ginagawa na apat na electric fan kasa-kasama ang mga anak nitong lalaki.

Nakita pa raw niya na ibinaba ni Alice ang bag at pagkatapos ay lumabas ng bahay. Hindi daw siya lumabas mula sa bahay ni Nanay Maring hanggang sa humingi ang mga anak nito ng tulong para hanapin si Alice. Nang hindi raw niya makita ang bata ay bumalik na siya sa bahay nito at doon nga dinakip ng mga barangay tanod sabay kinasuhan sa krimen.

Matapos ang paglilitis, napatunayan ng RTC nang walang pag-aalinlangan na nagkasala si Baldo sa krimen ng rape with homicide. Siya ang huling tao na kasama ang biktima nang bago patayin ang bata. Binago lang ng Court of Appeals ang hatol at ginawang attempted rape with homi­cide ang krimen dahil ayon sa doktor na sumuri sa bang­kay ay hindi naman nagkaroon ng indikasyon na pinasok ang ari ng biktima.

Kinatigan ng Supreme Court ang desisyon ng CA. Ayon sa SC, kahit pa walang direktang ebidensiya na nag-uugnay kay Baldo sa krimen ay hindi naman puwedeng balewalain ang circumstantial evidence sa kaso. Una, positibong itinuro ni Betty si Baldo bilang huling tao na kasama ang biktima. Ang testimonya ng bata ay binibigyang halaga dahil nga sa kanyang kabataan at pagiging inosente. May bahid ng katotohanan ang kanyang mga sinasabi lalo at walang ibang katibayan na magtuturo na hindi imposible na ginawa ng akusado ang krimen.

Pangalawa, may ibang testigo na sumang-ayon sa testimonya ni Betty tulad ni Mando na nakita si Baldong naglalakad kasama sina Alice at Betty na sukbit pa nga ang isang bolo sa baywang. Pangatlo, tumestigo ang pulis na amoy dugo ang bolo nang ipagkatiwala sa kanya noong hulihin nila si Baldo at makuha ang bangkay ni Alice. Walang silbi ang pagtanggi ni Baldo dahil wala naman siyang ibang inihain na ebidensiyang kontra sa paratang sa kanya.

Tama rin ang CA na hindi napatunayan ang pagtatagumpay ng buhong sa rape kundi nagtangka lang sa paggahasa sa bata. Base sa ulat ng doktor at sa mismong testimonya ng akusado ay walang ibang ebidensiya na nagtagumpay ang lalaki sa pagsasamantala sa biktima. Kaya nagkasala si Baldo ng attempted rape with homicide at dapat parusahan ng habang buhay na pagkakulong (People vs. Cabornay, G.R. 250649, March 24, 2021).

  

vuukle comment

BETTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with