^

PSN Opinyon

Holy Week 2022: Pagninilay at pagbisita sa Jubilee churches kasama ang pamilya ­

KasamBuhay - Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
Holy Week 2022: Pagninilay at pagbisita sa Jubilee churches kasama ang pamilya  ­
Paalala ni Fr. Aris Sison, “Itong panahon ng COVID, magpasalamat tayo kasi nananampalataya tayo. Kilala natin ang Diyos at marunong tayo magdasal. Meron tayong nalalapitan at nakakapitan kapag nahihirapan tayo.”
From freepik.com/jcomp)

Marami akong natutunan sa pandemya. Isa na rito ang mahalagang aral ng palaging pagpapasalamat sa Diyos para sa mga biyayang ibinibigay Niya sa akin at sa aking pamilya. Tulad ng iba, kahit na sinubukan naming protektahan ng aking pamilya ang aming sarili mula sa COVID19, nagka-COVID19 pa rin kami ng aking buong pamilya, at pumanaw pa ang aking bayaw na si Kuya Kenn. Nauna ko nang naisulat sa isa pang column (Surviving COVID-19) ang tungkol sa pakikipaglaban namin sa COVID-19 na naglagay sa peligro sa buhay ng aking asawang si Nonong, at kung paano namin pinilit bumangon bilang isang pamilya mula sa pagsubok na ito. Sa gitna ng kalungkutan, mas lalong tumindi ang aking pagkapit sa panalangin para panlaban sa kawalan ng pag-asa.

Ngayong nasa alert level 1 na at lumuwag na ang travel protocols, nagsisimula na ring sumigla ang ating turismo. Ang mga hotel at resort ay unti-unti na ring napupuno, lalo na ngayong Semana Santa kung kailan naghahanap na rin ng pagkakataong sandaling makapagpahinga ang ating mga kapamilya.

Religious Tourism

Inimbitahan namin si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa Pamilya Talk’s F&B Live para talakayin ang muling pagbubukas ng turismo sa Pilipinas, kabilang na ang religious tourism na ikinakampanya ng ahensiya.   

Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat

“Faith based tourism is under culture tourism. It's one of the 10 main tourism products. Filipinos are very holy. Whenever you visit a place for the first time, we go to a church and make three wishes,” she adds. Binanggit din ni Sec. Berna ang pagtatapos ng selebrasyon para sa ika-500 taong pagdiriwang ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Nagsimula ito noong April 4, 2021 at magtatapos sa April 22, 2022.  Nauna nang sinabi ni Pope Francis ang pagbibigay ng indulhensiya o full indulgence (kapatawaran ng Diyos) sa mga Katoliko na bibisita sa alinman sa 500 Jubilee Churches, at tutupad sa tatlong kondisyon -- pagtanggap ng komunyon, pangungumpisal, at pagdarasal para sa Santo Papa. Dahil sa espesyal na biyayang itong ipinagkaloob ni Pope Francis, hindi ba’t magandang isabay na sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon ang pagbisita sa isa o dalawang Jubilee Churches na malapit sa iyo? Narito ang listahan mula sa CBCP.net ng kumpletong 500 Jubilee churches na maaari mong bisitahin bago mag-Abril 22 upang mabigyan ng plenary indulgence.

Panoorin ang aming kumpletong panayam kay DOT Secretary Berna Romulo – Puyat

Sinamantala na rin ni Secretary Puyat ang pagkakataon para i-promote ang iba pang tourist destinations tulad ng Intramuros. “Napakaganda ng Intramuros. At the height of the pandemic, noong 2020, it won the best tourist attraction sa World Travel Awards. Open space siya, open air, at napakaganda talaga. Maraming programs ang Intramuros tuwing Holy Week. Meron siyang Visita Iglesia. Eight churches and chapels around Intramuros will be open: Manila Cathedral, San Agustin Parish Church, Shrine of Jesus Divine Teacher Chapel, Santa Rita Chapel in Mapua University, Sacred Heart of Jesus Chapel in Lyceum, Collegio de San Juan de Letran, Saint Matthew's Chapel, at Our Lady of Guadalupe Shrine at Fort Santiago,” sabi ni Sec. Berna. Binanggit din niyang may installations ng Stations of the Cross sa kahabaan ng General Luna, Beaterio at Muralla streets mula Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook account ng Intramuros.

Kung ikaw naman ay nasa Northern Luzon, mayroong isang pilgrimage tour circuit sa Jubilee churches ng Baguio Cathedral at San Jose Church sa La Trinidad. “Meron din tayong Bastion of Faith circuit in Cagayan, naha-highlight ng pilgrimage circuit in Cagayan ang natural at cultural treasures nito,” sabi ni Secretary Berna.

Sa Visayas, mayroong Jubilee churches tour naman sa Southern Cebu. Ito ay 2-araw na pag-ikot para itampok ang Jubilee churches at magagandang ruta sa Southern Cebu na tinukoy ng CBCP. “Meron din sa Metro Cebu yung Marian Pilgrimage Tour, pilgrimage to four Marian churches in Cebu city. Sa Bohol, merong Via Maria curated tour, which will take the guests to the three Marian churches in Bohol venerated for the miraculous sightings and interventions,” dagdag ni Secretary Berna.

Ang Manila Cathedral Photo grabbed from https://www.instagram.com/manilacathedral/

Ang pagpunta sa Jubilee churches ay isang magandang paraan para makapag-bonding kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan sa darating na Semana Santa.  Kahit na hanggang April 22 lang ang selebrasyon, ayon kay Secretary Berna, ang religious o faith based-tourism ay maaaring gawin anumang oras.

Paalala rin ni Secretary Berna sa mga magbabakasyon, tayo ay nasa isang pandemya pa rin at ang COVID-19 ay nakakahawa pa rin.   Kung ikaw ay nabakunahan at wala pang booster shot, makabubuting kunin ito upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

“Kahit fully vaccinated, and you already had your booster, you still have to follow the minimum health safety protocols, like ako, I really only remove my mask when I'm about to eat. When I see people that I haven't seen in a long time, parang reunion, pero I try not to shake hands. Naiintindihan naman talaga ng mga tao yan. People understand that we still have to be careful,” sabi niya.

Nagsisimula nang buksang muli ang turismo sa ating bansa at nagsisimula nang mag-rehire ang mga kumpanyang konektado sa turismo tulad ng mga hotel, travel agency, resort, atbp. “Because of the pandemic, 1.1 million jobs were affected. Kaya we should support our own. Support local; travel local,” paalala ni Secretary Berna.

Bilang deboto ng Our Lady of Manaoag, hinihikayat ko ang lahat na bisitahin ang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, isa sa Jubilee churches sa Pangasinan (Photo from the church’s Facebook account).

Pagpapatibay ng pananampalataya ng pamilya

Dahil sa pandemya, mas lumalim ang kahulugan ng Semana Santa para sa akin at sa aking pamilya. Ang pagbibigay ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makapaglingkod, para maging mas mapagpakumbaba, at mas madasalin.  Nang aking nakapanayam ang parish priest ng St. John Paul II Parish na si Fr. Aris Sison ukol sa mga pagsubok at pagdarasal, ibinahagi niya kung gaano kahalaga ang manalangin bilang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos.  

CAPTION:  Ang aking panayam kay Fr. Aris Sison

“Kapag wala ka nang pwedeng tawagan, wala ka nang pwedeng lapitan, and then sumagot Siya, yung ganoong klase ng experience, hindi mo makakalimutan yun. Sabi nila, nagkakaroon tayo ng ganyang experiences, hopefully para matandaan natin, para matuto na tayo, and from that moment on, lagi na tayong magdarasal. Hindi lang yung magdadasal ka kung may kailangan ka lang, kapag gipit na gipit ka na,” he says.

Kaya ngayong Semana Santa, gamitin natin ang pagkakataon para mas mapalalim pa ang pananampalataya, di lamang ng ating mga sarili, kundi ng buo nating pamilya.

-----

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 4:00 - 5:00 p.m. Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected] 

SEMANA SANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with