^

PSN Opinyon

Bantay Pulitiko 1: Ralph Tulfo

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Dalawang klase ang tatak Tulfo 

Una, ‘yung mababagsik na handang lumaban ng saba­yan­ para lamang maipagtanggol ang mga mahihina’t walang boses. Diretsahan, walang paliguy-ligoy. 

Ito ‘yung mga nasa unang henerasyon na inumpi­sahan ni Mon Tulfo sa Isumbong Mo at ang BITAG sa kasalukuyan. Kasama rito ang Tutok Tulfo ni Erwin.

Pangalawa, ‘yung maunawain, matulungin, malambot ang puso at matiyagang makinig. Ito si Tol Raffy kung saan naipasa niya ang mga katangiang ito sa kaniyang anak na si Ralph. 

Tumatakbo bilang representative para sa ikalawang distrito ng Quezon City si Ralph Tulfo. 

Sa tagal ng panahong kasa-kasama ng kanyang amang si Tol Raffy sa pagtulong sa tao, pamimigay ng ayuda, pakikinig sa iba’t ibang sumbong at hinaing at pagbibigay ng aksiyon.

Namulat at nakita ni Ralph ang mga “tunay” na panga­ngailangan ng bawat komunidad at mga residente nito. 

Bata man, nalinang na ang kakayahan ni Ralph na matugunan ang kakulangan ng mga nangangailangan. Hindi imposible na mas magampanan niya ang tungkulin sa balawarteng kanyang kinabibilangan. 

Fresh mind – taglay niya ang mga bagong estilo’t taktika ng mabilis at epektibong pagresolba ng bawat problema. Ito ang bunga ng pakikinig at pagtutok sa pangaral ng kanyang ama.

Kung public service lang naman ang pag-uusapan,  malayo sa mga tradisyunal na pulitiko ang naipakita at nagampanan na ni Ralph. 

Bagong henerasyon, bagong mukha, bagong pagseserbisyo. Nasa ilalim ng ticket ng kasalukuyang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte. Ang Mayorang subok na rin ng BITAG sa larangan ng serbisyo publiko.

Lahat nang reklamo’t problemang inilapit ng BITAG sa tanggapan ni Mayor Joy, kanyang pinakinggan at binigyan agad ng aksiyon.

Abangan ang isa pang alas ni Mayor Joy sa 2nd district ng Quezon City. Bagong henerasyon, bagong mukha – hindi tradisyonal ang pagseserbisyo. Kilalanin kung sino siya!

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with