^

PSN Opinyon

Ilegal na e-sabong sa La Trinidad, Benguet

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MALINAW ang sinabi ni President Digong na hindi niya ipatitigil ang e-sabong dahil kumikita ang pamahalaan dito ng P640 milyon bawat buwan. Mahigpit ang ­pangangailangan ng bansa sa pananalapi para maitugon sa pandemya. Malaking pondo ang kailangan para makaahon sa mahigit dalawang taong pananalasa ng pandemya.

Malaking pera ang kontribusyon ng e-sabong sa pananalapi ng bansa kaya kapag hindi napasakamay ng pamahalaan ang nararapat na buwis mula sa e-sabong operation, ang mamamayan ang tiyak na kawawa.

Dito sa Benguet ay may mga ilegal na nagpapalaro ng e-sabong. Gaano na kaya ang nadudugas ng mga operator nito sa pamahalaan sa di pagbabayad ng buwis?

Isang taon na ang operasyon ng e-sabong sa Kilometer 3, La Trinidad, Benguet kaya nasisiguro ko na limpak-limpak nang buwis ang hindi nila ibinabayad sa pamahalaan.

Buti sana kung kumukuha sila ng business permit sa tanggapan ni Mayor Romeo Salda. Pero tama bang kay Mayor Salda sila magtungo at magpabasbas sa kanilang e-sabong operation?

Kung sakali namang nakakabit ang e-sabong operation sa La Trinidad, Benguet sa mga lisensiyado ng Philippine Amusements and Gaming Corporation bakit patagu-tago ang kanilang operation?  

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with