^

PSN Opinyon

Pangamba ng mundo: baka gayahin ng China ang Russia

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Unang naging sentro ng kalakal, kaalaman at sampalataya ang Ukraine. Tapos kumalat ang Ukrainians pa-hilaga, at natatag ang Russia. Bago pa magkaroon ng lahing singkit, dumayo ang mga unang tao sa China mula Africa 20,000 taon na ang nakalipas. Tumawid sila sa Taiwan at mula ru’n kumalat ang Negritos sa mga pulo ng Asia-Pacific.

Baliktad ang pananaw sa kasaysayan nina Vladimir Putin at Xi Jinping. Para kay Putin, bahagi ng Russia ang Ukraine. Para kay Xi, probinsiya ng China ang Taiwan. Pareho silang naniniwala na dapat maghari sa mundo ang malalaking bansa. Samakatuwid, giyera.

Inaaral nang husto ni Xi ang paglusob ni Putin sa Ukraine. Gaano kabilis ito malulupig ng Russia at magtatag ng puppet government. Gaano katindi ang economic sanctions ng America at Europe. Kinakalkula ni Xi kung kaya niyang agawin din ang Taiwan.

Paulit-ulit si Xi na malapit nang makuha ng China ang Taiwan. Wawakasan daw niya sa ika-100 taong anibersaryo ang Chinese civil war na sumiklab nu’ng 1928. Nanalo ang Communist Party sa mainland at tumalilis ang Kuomintang sa Taiwan. Parehong malakas ang armies nila.

Pinaplano na ng America kung anong tulong ang ibibigay sa Taiwan kung lusubin, ani geopolitics Prof. Renato de Castro ng de la Salle University. Binebentahan na nila ito ng fighters, attack helicopters, warships at missiles. Sinusuportahan din nang lubos ang ekonomiya.

Kung tirahin ng China ang anumang sasakyan o pasilidad-militar ng America, madadamay ang Pilipinas sa giyera. Ihihirit ng America ang Mutual Defense Treaty natin, ani De ­Castro. Kailangan tuparin natin ang ­kasunduang tumulong sa isa’t isa sa giyera.

Kapag maagaw ng China ang Taiwan, gagawin itong base militar. Mula ru’n aagawin ng China ang West Philippine Sea. Sa imbentong kasaysayan, inaangkin ng China hindi lang ang WPS, kundi pati Paracels ng Vietnam, Natuna Reefs ng Indonesia at dagat ng Malaysia at Brunei.

VLADIMIR PUTIN

XI JINPING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with