^

PSN Opinyon

Itutulong sa mahihirap 5% savings ng gobyerno

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Graft and corruption at mga proyektong hindi naman lubhang mahalaga ang umuubos sa pondo ng gobyerno kaya napagkakaitan ng tulong ang mga mahirap na kaba­bayan. Hindi problema kung saan hahagilapin ang P250 bilyong pang-ayuda sa mahihirap nating kababayan kung wasto ang fiscal management.

Halimbawa, kung bawat departamento at ahensiya ng gobyerno ay magagawang magkaroon ng 5 porsiyentong savings sa kanilang budget, lutas ang problema! Napa­kagandang ideya ang pag-himok sa mga opisina ng pamahalaan ng maglaan ng kahit 5 porsiyento ng savings sa kanilang budget.

Ang hirap, sandamakmak ang mga proyektong pinag­kakagastusan Kahit hindi lubhang importante. Sabi nga “first things first.” Bukod pa riyan ang seryosong problema sa graft and corruption na matagal nang sakit ng ating gob­yerno.

Buti na lang at isinusulong na ni ex-speaker at ngayo’y senatorial aspirant Alan Peter Cayetano ang HB 10832 HB 10832 o Mandatory Savings Act. Kasamang umakda sa Bill  sina Congreswoman Lani Cayetano, Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte, Batangas Rep. Raneo Abu, at Laguna Rep. Dan Fernandez.

Bukod sa P10k ayuda sa bawat 20 milyong pamilyang Pilipino, magkakaroon pa ng flexibility ang gobyerno sa paggamit ng matitirang P50 bilyon sa ibang sector na pinadapa rin ng pandemya kabilang ang transportasyon, agrikultura, kalusugan, mga senior citizen at mga mali­liit na negosyo. Dahil sa pandemic, naging 17.7% ang un­em­ployment rate. 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho.

Sana ay hindi maglubay ang gobyerno sa pagtulong sa ating mga kababayan. Ngayon higit sa lahat mahalagang tuluy-tuloy ang padamay sa kanila ng isang pamahalaang maaasahan at masasandigan ng ating mga kaba­bayan.

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with