^

PSN Opinyon

Makati, muling nagkamit ng mga parangal para sa de-kalidad na serbisyo

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-inspire ang sunud-sunod na parangal na iginawad sa Makati nitong mga nakaraang araw mula sa iba’t ibang sektor. Para ito sa mga serbisyong ibinibigay ng lungsod para sa kalusugan, pag-aalaga sa ating kalikasan, at pagpa­palakas ng ekonomiya.

Muling nakuha ng Ospital ng Makati (OsMak) ang ISO 9001:2015 Certification for Quality Management System ngayong 2022 matapos pumasa sa certification audit na isinagawa ng International Organization for Standardization (ISO) kamakailan.

Pinapatunayan nito ang maliit at lokal na ospital ay ma­aaring makapantay sa mga pribadong pagamutan pagdating sa mga proseso at pasilidad. Una nang nakuha ng OsMak ang sertipikasyon noong 2019.

Kasama sa mahigpit na sinuri at inaudit ang patient admissions mula sa ER hanggang sa pag-discharge ng in-patient customers. Dumaan din sa pagtatasa ng ISO ang Laboratory at Radiology services, ang pag-dispense ng gamot ng in-house pharmacy, outpatient consultation, at mga support services kaugnay sa core processes ng ospital.

Ang panibagong ISO certification ay patunay lamang na napapanatili ang mahusay na pamamalakad ng ospital sa gitna ng mga hamon ng pandemya.

Bukod dito, kinilala ang Makati bilang second-best performing local government sa hanay ng Highly Urbanized­ Cities sa isinagawang Safety Seal Certification Program ng DILG, DTI at Department of Health. Dahil ito sa mataas na compliance rate ng mga negosyo at establisimyento sa lungsod sa health protocols at standards na mahigpit na ipinapatupad ng aking pamunuan.

Nag first runner-up din ang Makati sa “Gawad Taga Ilog: Search for Most Improved Estero in Metro Manila” ng DENR para sa Tripa de Gallina, na napapanatiling malinis at maganda.

Iginawad naman ng DOST-PAGASA ang Wind Vane Award sa Makati bilang pagkilala sa naitulong ng lungsod sa pag-develop ng Impact-Based Forecasting and Warning Based Service sa kalakhang Maynila.

Ang Makati Disaster Risk Reduction and Management Office ang nag-pilot ng paggamit ng naturang sistema noong 2019.

Ang mga parangal na ito ang nagpapalakas ng aming loob at nagpapaigting ng aming determinasyon na patuloy na itaas ang antas ng serbisyo publiko sa ating lungsod.

Ipagpatuloy po sana natin ang suporta sa mga programa ng aking administrasyon para patuloy na pagandahin ang buhay dito sa Makati.

vuukle comment

OSMAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with