^

PSN Opinyon

Economy babagsak daw kay Marcos

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para kay Bangko Sentral ng Pilipinas deputy governor­ Diwa Guinigundo peligroso ang ekonomiya kung manalong presidente si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  Bakit? Ani Guinigundo, paano haharapin ni Marcos ang lumolobong utang ng bansa na P12 trilyon noong 2021 mula sa P7.7 trilyon noong 2019.

Tama naman na dalubhasang economists ang kaila­ngan nating leader. Pero ayon kay Guinigundo, sa mga kandidato sa pagka-presidente, si Marcos Jr. ang kulang ang kaalaman sa ekonomiya. Aniya ang pagtanggi ni Marcos sa mga panayam at debate ay tanda ng pagkatakot niyang sumagot sa mga katanungang pangkabuhayan. Iisa ang pananaw ng mga economists kasama si Guinigundo: kailangan natin ngayon ang presidente na malinaw ang plano para sa mga kinakaharap at kakaharapin pa nating problema sa susunod na anim na taon.

Dahil sa COVID-19 pandemic, napilitang umutang nang umutang si Pres. Duterte mula 2020. At ngayon naman, nakasisindak ang pagtaas sa presyo ng petrolyo at ibang produkto dahil sa giyera ng Russia at Ukraine. Idagdag pa riyan ang warning ng finance institution na JP Morgan na babalik ang bansa sa magkakambal na deficit: fiscal deficit at current account deficit.

Pansin nang marami na sa mga diskurso ni Marcos, wala siyang klarong plano sa paglutas nang malaking fiscal deficit, lumolobong pagkakautang, at mga programa upang ibalik ang tiwala ng mga dayuhan at lokal na negosyante. Walang malinaw na plataporma ang tambalan ng UniTeam kung hindi ang “pagkakaisa”. Walang detalye kung paano mareresolba ng “unity” ang mga  problema ng bansa.

Ayon kay Guinigundo, si Marcos Jr. ay naging governor ng Ilocos Norte, congressman at senador. Pero aniya kulelat pa rin ang lalawigan kumpara sa ibang mauunlad na probinsiya kagaya ng Cebu, Laguna, Batangas, at Cavite. Para sa akin naman, mahalaga na tayo mismo ang magsuri sa mga kandidato base sa track record at malinis ng reputasyon. Esep-esep.

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with