^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahing pagtipirin sa gas ang gov’t officials

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unahing pagtipirin sa gas ang govât officials

NARARAPAT nang maglatag ng mga paraan ang pamahalaan kung paano makakapagtipid sa paggamit ng gasolina at diesel. Kailangan na ang puspusang pagtitipid dahil walang nakikitang pag­baba ng crude oil sa pandaigdigang pamilihan. Nasa $116 na ang bawat bariles ng crude oil at tataas pa dahil sa patuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine. Walang nakikitang paglambot sa lider ng Russia kahit pinatawan ng sanctions. Kabilang sa pinataw ay ang pag-ban sa pag-import ng langis sa nasabing bansa. Ang Russia ay ikalawa sa mga bansa sa mundo (ikalawa sa Saudi Arabia) na nagsu-suplay ng langis.

Kung magpapatuloy at matatagalan ang kaguluhan sa Ukraine, madarama ito sa buong mundo sapagkat maraming bansa ang umaasa sa langis ng Russia at kabilang dito ang Pilipinas. Mas lalong damang-dama ng mga mahihirap na bansa ang pagmahal ng langis sapagkat nakadepende na rito ang lahat. Bawat galaw ng mga tao sa mundo ay sangkot ang gas.

Sa nangyayaring ito, dapat nang magpatupad ang pamahalaan kung paano makakapagtipid sa paggamit ng gasolina at diesel. Ngayong araw na ito ay may rollback sa presyo ng gasolina at diesel subalit­ hindi ito sapat para mabawasan ang pasanin ng mga motorista. Maliit pa rin kung tutuusin sapagkat 11 beses na sunud-sunod ang oil price hike.

Isa sa magandang magagawa ng gobyerno ay ang pagpapatupad ng isang araw na walang mga pribadong sasakyan sa kalsada. Car less day. Malaki ang maitutulong nito para makatipid sa gasolina. Bukod sa nakatipid sa gasolina, mababawasan din ang air pollution.

Para makatipid, ipagpatuloy ang work from home na nasubukan ngayong may pandemya. Epektibo naman ito. Kung ipagpapatuloy ang WFH, mababawasan ang mga gagamit ng sasakyan at makakatipid sa gasolina. Tipid din ito sa mga kompanya dahil maba­bawasan na ang gagamit ng kuryente sa opisina.

Isa rin sa puwedeng subukan ay ang pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng mga sasakyan na malakas lumaklak ng gasolina. Libre ang gasolina ng mga opisyal kaya wala silang patumangga kung gumamit ng mga malalaking sasak­yan. Unahin silang pagtipirin sa gas para maging halimbawa ng mamamayan.

GAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with