^

PSN Opinyon

Bike-a-van para sa Inang Kalikasan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Noong dekada 70, may nasabi ang bantog na TV host na si Ariel Ureta sa kanyang TV show: “Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan.” Nagalit si President Ferdi­nand Marcos Sr. Mistulang inalipusta ni Ariel ang national slogan­ ng martial law na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”. Pinagbisikleta si Ariel maghapon sa Camp Crame.

Pero kung tutuusin, kailangan na talaga tayong matu­tong magbisikleta. Malapit nang pumalo sa P100 kada litro ang diesel! Halos P80 na nga ito sa mga big players­. Kaya pagsamahin natin ang disiplina at bisikleta.

Speaking of bisikleta, isang kakaibang caravan ang idinaos ng may 2,100 na mga siklista. Pagsuporta ito sa eco-friendly election campaign ni dating speaker na nga­yo’y­ nagbabalik-senado na si Alan Peter Cayetano­. Sabay-sabay itong lumarga sa Marikina at Maynila, at marami pang lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Marami kasi ang humanga sa eco-friendly election campaign trail ni Cayetano na ang gamit lamang ay ang cyber space. Walang campaign posters na nakarurumi at walang basurang ikinakalat sa paligid.

Anang isang volunteer cyclist, dininig nila ang apela ni Cayetano na suportahan ang kanyang digital campaign  dahil hindi na siya nagpaimprenta ng posters, flyers at iba pang traditional campaign methods.

Ayon nga kay Barotac Nuevo Councilor Simon Fernando, dapat magpatuloy ang eco-friendly campaign ni Cayetano sapagkat nakatutulong ito sa kalikasan.

Binigyang  diin naman ni Albay Board Member at Association of Barangay Councils (ABC) Albay Chapter President Joseph Philip “JP” Lee na dapat suportahan ang naturang bike caravans at ang adbokasiya ni Cayetano para sa eco-friendly na pangangampanya ngayong halalan.

BIKE

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with