^

PSN Opinyon

Pagkain para sa utak at memorya  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga pagkain na mahusay para sa utak at memorya:

1. Matatabang isda, mani at olive oil.

Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapa­natili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay mata­tagpuan sa matatabang isda.

2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E.

Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans.

Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pag-kain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.

4. Curry powder at turmeric.

Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posi­b­­leng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.

Tandaan: Bawasan ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, trans fat at cholesterol tulad ng taba ng karne, margarine at processed foods. Ang mga pagkaing­ mayaman sa asukal ay maaaring makadagdag sa panga­nib­ ng type 2 diabetes, isang kondisyon na maaaring magpalaki ng apat na beses ng panganib sa sakit na Alzheimer’s disease.

FOODS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with