^

PSN Opinyon

Magagamit na kaya ang BNPP?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw na ito ay tataas muli ang presyo ng gaso­lina at diesel. Ito na ang pinakamalaking itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Baka P11.00 ang itataas sa diesel na ginagamit ng halos lahat ng pampublikong transportasyon. Malaki ang tama sa kanila gawa ng pagtaas na ito na tila walang katapusan habang nagaganap ang walang basehang digmaan ni Vladimir Putin sa Ukraine. Sigu­rado ipapasa ang pagtaas na ito sa mamimili. Sigurado apektado ang lahat. Isa na rito ay ang siguradong pagtaas ng presyo ng kuryente. Tayo na nga ang may pinakamahal na kuryente sa Asya.

Noong Pebrero, nilagdaan ni President Duterte ang Execu­tive Order 164 na magbibigay-daan para sa pamahalaan na gamitin ang nuclear power bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Natural, ang hindi napakinaba­ngan at napakapamahal na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ang muling napag-uusapan. May mga panawagan na ayusin ito para umayon sa mga kasalukuyang pamantayan para pumasang ligtas na nuclear power plant. Magiging partner ng Pilipinas ang Amerika para isulong ang ligtas na nuclear energy para sa bansa.  

Dahil sa nagaganap na digmaan sa Ukraine, nagiging­ malinaw na hindi puwedeng umasa na lang sa krudo para sa pangangailangang enerhiya ng bansa. Maraming pagmumulan ng enerhiya tulad ng hydroelectric, solar, geothermal pero ang pangunahing pinagmumulan ng ating enerhiya ay mula sa mga plantang gumagamit ng coal. Halos 75 percent ng pangangailangan ng bansa ay inaangkat mula sa Indonesia at Australia. Hindi kaya ng ating lokal na pinagkukunan ng coal ang pangangailangan ng bansa. Kung nagtatas ang presyo ng langis dahil sa digmaan, tataas na rin ang presyo ng coal dahil sa maraming bagay tulad ng delivery at palitan ng pera.

Maraming bansa ang gumagamit ng nuclear energy­ tulad­ ng U.S., France, South Korea, India, Japan at Taiwan­. Sa kabila nito, may mga ayaw pa rin ng nuclear energy at aktibong hinaharang ang pagbukas ng BNPP. Hindi raw ligtas gaya nang nangyari sa Chernobyl at Fukushima. Ang BNPP ay itinayo raw malapit daw sa aktibong fault line at malapit din sa bulkan. Kung matutuloy ang pagsasaayos ng BNPP para magamit bilang pagmumulan ng enerhiya, maraming hadlang ang dapat malampasan nito. Isa na rito ay ang muling paggastos sa isang proyektong may kaugnayan sa rehimen ng diktador na si Ferdinand Marcos. Hindi itinuloy ang pagbukas dahil sa mga isyu ng lokasyon pati na rin ang korapsyon ng mga may kinalaman sa pagtayo nito. Marami umano ang kumitang ilegal kaya natigil ang plano. Ngayon, nais nang buhayin.

Kung talagang itutuloy ang pagbukas ng BNPP, dapat pag-aralan at bigyang pansin ang mga alalahaning hinggil sa lokasyon ng planta. Ang rehabilitasyon ay dapat sang-ayon sa mga kasalukuyang pamantayan para sa isang ligtas­ na planta. Sa totoo lang, dapat noon pa kumilos para buhayin ito para hindi rin masayang ang ibinayad para itayo ito. Pero kung talagang mapapatunayan na hindi ligtas­ ang lokasyon dahil sa kung sakaling lumindol o pumutok ang bulkan, huwag nang ituloy.

vuukle comment

DIESEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with