^

PSN Opinyon

May epekto na ang digmaan sa Ukraine

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Tumaas ng P3 bawat litro ng gasolina at P5 sa diesel noong Martes. Ang presyo ng crude oil ay umabot na sa higit $110 kada bariles. Pinakamataas na raw ito sa loob ng pitong taon. Malaking porsiyento ng crude ay galing Russia kaya may epekto ang digmaan.

Sigurado sa pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ay tataas na rin ang ang pamasahe sa jeepney at bus. Hindi kakayanin ng mga operator sagutin na lang ang ganyan kalaking pagtaas ng presyo. Kailangang tanggalin na ang excise tax sa petrolyo. Masyado nang maghihirap ang ordi­naryong mamamayan dahil sa excise tax na iyan.

Sa ngayon, nagpapataw na ng parusa ang mara­ming bansa sa Russia dahil sa pagsalakay sa Ukraine kaya nagkakaroon ng kakapusan ng langis sa mundo. Ayaw namang dagdagan ng Gulf countries ang kanilang suplay dahil may kasunduan umano sa Russia tungkol dito. Sabi ng analyst, kapag ginawang sandata ng Russia ang langis, magkakagulo sa buong mundo. Baka maganap na ang ikinatatakutang World War 3.

Patuloy ang pagbomba ng Russia sa Ukraine. Humihiling ang Ukraine ng karagdagang tulong gamit-militar para maipagpatuloy nila ang pagtatanggol sa kanilang bansa. Wala talagang naniniwala sa Russia na hindi nila tinatarget ang mga sibilyan. Kailan ba sila nagsabi ng katotohanan? May bagong batas na ipinasa na kapag nag-ulat ng kritisismo sa digmaan, fake news daw ito at makukulong ang mga reporter. Kaya binawi na lang ng mga news agency ang kanilang reporters at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Iyan ang Russia sa ilalim ni Putin.

RUSSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with