^

PSN Opinyon

Rep. Helen Tan tumulong sa rape victim, niresbakan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mahirap ang kalagayan ng isang congresswoman na tumulong lang sa isang menor-de-edad na rape victim­ na makapagdemanda pero siya pa ang binuweltahan ng idi­ne­manda matapos itong maabsuwelto. Kinasuhan siya ng illegal detention sa pagkakakulong ng isang konsehal ng Quezon Province.

Sinabi ng isang criminal lawyer na walang illegal detention na nangyari sa konsehal ng Lopez, Quezon na nakulong ng limang buwan subalit pinalaya matapos absu­weltuhin ng hukuman sa kasong rape, serious illegal detention at child abuse.

Magugunita na tinulungan lang ni 4th district Quezon Rep. Helen Tan ang menor-de-edad na biktima at mga magulang nito para kasuhan si Quezon councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde. Bahagi iyan ng tungkulin ng sinumang public official: ang tumulong sa mga constituents na naa­agrabyado.

Nagkontra-demanda si Yulde kay Tan at sa asawa niyang si Department of Public Works and Highways Region 1 Director Engr. Ronnel Tan sa  Makati City Prosecutor’s Office. May papel daw ang mga ito sa pagkakakulong ng konsehal.

“Walang illegal detention” ang sabi ni Atty Merito Lovensky Fernandez sa panayam ng dati nating kolum­nista sa PSN na ngayo’y broadcaster at ehekutibo ng DZXL. Ang pagkakapiit ni Yulde sa Pangasinan na kinaganapan umano ng krimen ay isang legal na pangyayari.

Kung may balidong warrant of arrest, kaya nakulong ang konsehal sa isang kasong non-bailable at napalaya lamang ng ma-dismiss ang kaso, walang ilegal diyan.  Dagdag ng abogado, walang pananagutan ang korte at ang mga pulis na nag-issue ng warrant of arrrest at humuli kay Yulde hanggang sa ito ay makulong dahil sa presumption of regularity.

Ginawang halimbawa ni Atty. Fernandez ang kaso ni Hubert Webb na nakulong ng matagal na panahon subalit nang umakyat sa  Supreme Court nabaliktad ang kaso at na-dismiss. Hindi puwedeng magdemanda si Hubert sa mga nagdiin noon sa kanya. “This is more a political propaganda to smear the name of congresswoman Helen and director Ronnel Tan than a case!» dagdag pa ni Atty. Fernandez.

RONNEL TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with