^

PSN Opinyon

CNN Philippines 2022 Presidential Debate

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ginanap noong nakarang linggo ang CNN Philippines 2022 Presidential Debate. Isang presidential aspirant lamang ang wala sa debate. Hindi ko na kailangang sabihin sa inyo kung sino siya. Nilaktawan niya ang ilang debate maliban sa isa kung saan personal na inendorso ng punong-abala ang kanyang kandidatura. Tanong-sagot ang format na ginawa ng CNN Philippines. Mula sa ekonomiya hanggang sa mga dahilan para sa pagtakbo ang itinanong sa mga kandidato, ang ibang mga tanong ay partikular na ipinasagot sa ilang kandidato. Mga karaniwang sagot ang ibinigay nang marami, ang iba ay makikita ang kaalaman sa kanilang sagot.

Banggitin ko lang ang ilang mga kapansin-pansin na naganap sa debate. Ang isa ay ang pabalik-balik na sagutan nina Leody De Guzman at Dr. Jose Montemayor. Si De Guzman, halatang nasa panig ng manggagawa habang si Montemayor na tila proteksiyon sa mga amo ang pakay. Sa tingin ko ang nakakatawang pahayag ay nagmula kay De Guzman nang sabihin na akala niya ay wala si Marcos Jr. nang gabing iyon.

Isa pang kapansin-pansing pahayag ay nagmula kay Sen. Manny Pacquiao kung saan nangako siyang magpapatayo ng isang mega-prison para makulong ang lahat ng mga tiwaling opisyal sa unang 100 araw ng kanyang pamumuno. Korapsyon sa gobyerno ang kanyang pinagtutuunan ng pansin mula nang ipahayag niya ang kanyang intensyong tumakbo. Nang tanungin kung aling ahensiya ng gobyerno ang dapat linisin sa katiwalian, tanging si Pacquiao ang nagsabi na DOH. Ang iba, Bureau of Customs.

Ang tanong ng kahalagahan na makilahok sa mga debate ay itatanong sa lahat. Halos lahat ay nagbigay ng parehong sagot. Dapat makita ng tao kung paano sumagot kahit mahihirap ang tanong, dapat makita kung paano mag-isip, makikita rin ang kilos ng katawan kung may kumpiyansa o nag-aalanganin. Si Montemayor ay may ibang pananaw na hindi ito ang karaniwang debate kung saan ang mga kandidato ay nakikipaglaban sa isa’t isa. May katotohanan rin ang kanyang sinabi. Baka ang susunod na debate ay iba na ang format.

Ngayong Marso gaganapin ang Comelec debate. Para sa akin, mahalagang makilahok sa ganitong mga debate. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita sa mga tao kung sino sila, kung paano nila nahahawakan at haharapin ang mahihirap na sitwasyon. Marahil ay sobrang kumpiyansa si Marcos Jr. sa kanyang pangunguna sa mga survey, hindi niya ramdam ang kahalagahan ng mga debate. Kung may epekto iyan sa kanyang mga tagasuporta ay hindi ko alam.

CNN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with