^

PSN Opinyon

Russia vs. Ukraine, giyera ng ideolohiya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tuloy ang bakbakan sa Ukraine sa ‘di-mapigilang pagsa­lakay ng Russia. Walang narating ang usapan ng mga kina­tawan ng dalawang bansa sa Belarus. Saktong isang linggo na ngayon ang digmaan. Paano mapipigil ang Russia sa  pananalakay?

Anang marami, ito ay giyera lang ni Russian President Vladimir Putin dahil walang nagkakaisang pagsang-ayon ang pamahalaang Ruso. Ang mga nadakip na Russian soldiers sa Ukraine ay nagsiwalat na ayaw nila ng giyera. Pinilit lang daw sila ng mga nakatataas sa kanila.

Nilinlang lang daw sila sa pagsasabing isa lang military drill ang pakay nila sa Ukraine. Kung tutuusin, liyamado ang Ukraine sa digmaan dahil marami itong napa­bagsak na Russian warplanes at napasabog ng mga tang­keng Ruso. Salamat sa mga armas na mula sa mga bansang Kanluranin.

Pero sugod pa rin ang Russia. Mukhang “patay kung patay” ang determinasyon at takbo ng isip ni Putin. Kahit ang economic sanction ng United States at mga kaalyado­ nito ay hindi mapigilan ang marubdob na layunin ni Putin­. Palibhasa, kahit mayroong economic sanctions, nari­riyan ang China na ipagkakaloob ang mawawalang pa­­ngangailangan nito mula sa Western world. Kayang gawin ito ng China dahil isa na itong economic power sa daigdig.

Ang China ang pinakamalakas na kaalyado ng Russia. Hindi nito kailangang magpadala ng tropa sa Ukraine pero patuloy itong magbibigay ng moral support at han­dang magsilbing tagapagsalita ng Russia sa pagkondena sa Western world.

Palalabasin nito na ang U.S. at mga kaalyadong nag­tataguyod ng demokrasya ang dapat sisihin sa gulo sa daigdig. Malinaw na ito ay digmaan ng dalawang ideo­lo­hiya­: komunismo versus demokrasya.

UKRAINE-RUSSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with