^

PSN Opinyon

May droga raw (Last part)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang paglilitis, hinatulan ng RTC si  Franco ng pagkakulong mula 12 taon hanggang 15 taon base sa mga testimonya ng mga testigo. Wala raw nakikitang motibo ang korte kung bakit ibibintang sa kanila ang krimen. Isa pa, ginagawa lang daw ng mga pulis ang kanilang tungkulin at walang dahilan para sila magsinungaling. Kinatigan pa ng CA ang desisyon ng RTC kahit pa nagsa­sabi si Franco na hindi nasunod ang tamang pro­seso o chain of custody. Ayon pa sa CA, hindi naman awtomatiko na nagiging ilegal ang pag­huli sa kanila o kaya ay ibabasura agad ang ebi­densiya dahil lang sa hindi pagsunod. Panghuli, ang palusot daw ni Carlos na frame-up ay maa­aring kunwari lang at pineke.

Pero kabaliktaran ang naging hatol ng Supreme Court. Ayon sa SC, kailangan ang tinatawag na “proof beyond reasonable doubt” para sa pagresolba sa kaso. Pero hindi ito nagawa ng prosekusyon dahil mismong ebidensiya nila ay hindi nakalusot sa hukuman. Ayon kay PO1 Franco, sa presinto na nila nalaman na ang lala­king may hawak sa bag ay taglay ang pangalan na “Carlos Magno” pero sa pagmarka ng ebidensiya sa pinangyarihan ng krimen ay nasulat na agad nila ang “CM-1” at “CM-2” samakatuwid, alam na agad nila na siya si “Carlos Magno”. Sa utak ng hukuman, maraming hindi nagtutugma sa testi­monya ng dalawang pulis na sina PO1 Franco at PO1 Lazaro na makaaapekto sa kredibilidad nila.

Sa kasong ito, iisa lang din ang kinatawan ng media na naroon nang ginawa ang imbentaryo. Paglabag ito sa kondisyon sa batas na isang kina­tawan ng DOJ at isang pampublikong opisyal ang dapat na pumirma sa mga kopya (Sec. 21). Ito ay importanteng kondisyon at ang epekto kung hindi masusunod ay ang pagpapawalang halaga sa kinumpiskang ebidensiya. Taliwas ito sa pagkakaroon ng matibay na paniniwala na ginawa ng akusado ang krimen. Ayon pa sa SC ay alam nila na may mga pagkakataon na nagtatanim ng ebidensiya para ipitin ang akusado. Nagkamali ang RTC at CA nang hindi nila pahalagahan ang depensa ng “frame-up” lalo at may kaduda-duda sa bersyon ng prosekusyon. Kaya dapat lang na mapawalang-sala si Carlos (Casilag vs. People, G.R. 213523, March 18, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with