^

PSN Opinyon

Bawal ang palusot (Last part)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Naglabas ng desisyon ang RTC pabor kay Dina. Pina­walang-bisa ang kasulatan ng pagsusuko ng karapatan pati ang kasulatan ng donasyon pabor kay Jun. Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC. Ayon sa mataas na hukuman, ang bawat donasyon na pabor o magkakaroon ng bentahe sa pagitan ng mag-asawa ay walang bisa. Inapela pa rin ni Jun ang desisyon. Katwiran niya ay nagkamali ang RTC dahil Art. 89 ng Family Code ang ginamit pero hindi raw puwede itong basehan para mapawalang bisa ang pagsuko ng karapatan ni Lita dahil ang dapat na gamitin ay Art. 147 ng Family Code tungkol sa co-ownership.

Habang nagsasama pa lang daw sina Lito at Lita na walang basbas ng kasal ay ito ang batas na dapat mamayani. Argumento pa ni Jun ay ipinapalagay na magkatuwang ang dalawa sa pagpundar sa lupa kaya dapat lang na pantay ang kanilang karapatan. May bisa raw at legal ang dokumento ng pagsuko ng karapatan sa pagitan nina Lito at Lita bilang co-owners dahil kahit sino sa kanila ay puwedeng ibigay ang kanya-kanyang parte basta’t pumayag ang kabilang panig.

Ayon sa Supreme Court, mali ang paniniwala ni Jun. Dagdag pa ng SC, habang pareho ang RTC at CA na walang bisa ang pagsuko ng karapatan (RWR) base sa Art. 87 ng Family Code na bawal ang donasyon sa pagitan ng mag-asawa maging direkta itong binigay o hindi, nagkamali sila sa paniniwalang may bisa ang kasal hanggang sa namatay nga si Lito. Ang kasal sa pagitan nina Lito at Lita ay dineklarang “void ab initio” ayon sa Art. 36 ng Family Code.

Hindi tama ang sabihin na legal at may bisa ang kasal hanggang sa kamatayan ni Lito dahil pinawalang bisa na nga ito mula pa sa umpisa. Ang batas na dapat gamitin ay Art. 87 ng Family Code tungkol sa pagbabawal sa dalawang tao na nagsasama na walang basbas ng kasal. Dahil sa malinaw na dikta ng batas ay lumalabas na bawal pa rin at walang bisa ang RWR ni Lita pabor kay Jun.

Kahit sabihin pa na legal ang kasal nina Lito at Lita nang gawin ang RWR dahil may mahalagang konsiderasyon ito, walang bisa pa rin ang bentahan sa mag-asawa dahil bawal pa rin ito sa Art. 1490 ng Civil Code. Ipinagbabawal sa batas­ ang pagbebenta sa isa’t isa maliban na lang kung (1)  nagkaroon na sila ng paghahati ng ari-arian o separation of pro­perty at (2) may basbas ng korte ang paghahati  sa pagitan ng mag-asawa alinsunod sa Art. 191.

Sa katapusan, kahit sabihin pa na may katwiran ang argumento ni Jun na nagkamali ang korte sa ginamit na batas sa ari-arian ng mag-asawa hanggang sa mamatay si Lito ay tama pa rin sila sa pagsasabing bawal ang donasyon na ginawa alinsunod sa Art. 147 ng Family Code. Ang pagpapawalang-bisa sa RWR, sa kasulatan ng donasyon at sa bagong titulo sa pangalan ni Jun ay tama (Perez, Jr. vs. Perz-Senerpida etc., G.R. 23365, March 24, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with