^

PSN Opinyon

Survey nagagamit sa mind conditioning

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para sa akin, mas nakasasama kaysa nakabubuti ang pagpapalabas ng mga survey hinggil sa mga kandidato lalo na sa pagka-pangulo. Nagdudulot lang ito ng patuloy na pagkakahati ng taumbayan.

Kapag ang resulta ng survey ay hindi pumabor sa kini­kilingang kandidato ng ilang mamamayan, nagbubunga lang ito ng public indignation na hindi mabuti para sa bansa. Bukod sa Pulse Asia, Social Weather Station at iba pang mga institusyong nagsasagawa ng mga surveys, nadagdag pa ang mga street surveys na karaniwang nakikita sa social media tulad ng YouTube at FaceBook.

Isa pa, ang isang survey ay maaaring inupahan ng isang kandidato o political party kaya mas malamang na ang resulta nito ay papabor sa kung sinuman ang nagbayad­. Posibleng maging instrumento ng mind condi­tioning ang mga surveys lalo pa at ang mga resulta nito ay palaging­ pabor sa iisang kandidato. Hindi ako nag-aakusa ng sinu­­mang kandidato pero independent survey man o bina­yaran, malaki ang epekto nito sa isip ng mamamayan sa pagpili ng kandidato.

Alam naman natin ang tinatawag na bandwagon effect. Kung sino ang kandidatong lumalabas na napakalakas sa paglalarawan ng mainstream at social media ay siyang patuloy na humahakot ng mga suporta. Dahil dito ay lalong nagiging dehado ang mga kandidatong hindi masyadong kilala at walang pondong pambayad ng survey.

Sa halip na magsuri ang mga botante sa kuwalipikas­yon ng mga kandidato, umaasa na lang sila sa naki­kitang­ resulta­ ng mga survey na hindi naman 100 porsyento kung accuracy ang pag-uusapan. Kaya apela na rin ito sa ating mga kababayan. Patuloy nating suriin ang kuwalipikasyon ng mga kandidato at huwag tayong umasa sa sinasabi lang ng media tungkol sa kanila.

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with