^

PSN Opinyon

Oplan Baklas nag-backlash!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bumalandra pabalik sa Commission on Elections (Comelec)  ang ginawa nitong pagbabaklas sa mga campaign posters na nakapaskel umano sa mga lugar na hindi pinahihintulutan ng poll body. Iyan ang backlash ng Oplan Baklas.

Nagpupuyos sa galit ang kampo ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo dahil ang kanyang mga poster na nakapaskel sa mga pribadong ari-arian ay inalis din. Tila may katwiran silang magsampa ng reklamo laban sa Comelec.

Kung ako halimbawa na isang pribadong mamamayan ay magdidikit ng campaign poster ni Leni sa sarili kong pader, walang pakialam ang Comelec para alisin ito nang sapilitan. Tila mas naapektuhan ang kampanya ni Leni kaysa kay Bongbong Marcos kaya hinihinala na may bias ang poll body sa huli.

Kahit ang desisyon ng Comelec sa pagbasura sa mga disqualification cases laban kay Marcos ay hinihinalang may pagkiling ang Comelec. At least, Iyan ang impresyon ng maraming mamamayan, lalo na ng mga supporters ni Leni.

Sana man lang, naging patas ang Comelec sa pagpapatupad ng Oplan Baklas. Hindi lang ang poster ng iilang kandidato ang pinagdiskitahan kundi lahat ng mga may paglabag. Totoong may mga designated places na itinakda ang Comelec na pagpapaskelan ng campaign materials pero walang linaw kung bawal ito sa mga pribadong ari-arian.

Sige, bahala ang Korte na magpasya. Tama lang na magdemanda laban sa Comelec ang kampo ni Leni. Ang masama lang, sa ganyang mga pangyayari ay wasak na wasak ang imahe ng Comelec na dapat sana ay pagkatiwalaan ng mamamayan para sa pagkakaroon ng malinis na halalan.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with