^

PSN Opinyon

COVID-19 cases sa Hong Kong

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

KUNG tutuusin ang Hong Kong ay may layong isang oras lang ang biyahe galing Maynila. Totoong bumababa na ang COVID-19 cases natin dito sa bansa ngunit iba ang nangyayari sa Hong Kong na kung saan ngayon ay natutulog na lang sa mga daan ang mga pasyente dahil nga sa kakulangan ng treatment facilities para sa pag-usbong ng COVID-19 cases sa nasabing lugar.

Hindi maiwasang mababahala rin tayo sa nasabing mga pangyayari sa Hong Kong kahit na bumababa na nga ang COVID-19 cases natin sa bansa. Andun ‘yong dikit-dikit ang libu-libong tao sa mga caravan at maging rally para sa kampanya sa halalan sa May 9 para bang wala nang banta ng COVID-19 infection.

Ang sitwasyon ay hindi lamang namamayani sa National Capital Region ngunit maging sa mga kanayunan din ng ating bansa kung saan lumalabas ang mga tao upang makita nila ang mga kandidatong nangangampanya. 

Mapa-Visayas at Mindanao man at sa mga rural areas ng Luzon nandun pa rin ang mga taong nais makita nila ang kanilang mga kandidato.

Ngunit huwag nating kalimutan at andiyan pa si COVID-19 at kumakaway-kaway pa rin sa atin.

Kaya todo-ingat tayo at nang maayos nating maidaos ang halalan sa Mayo. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with