^

PSN Opinyon

Walang botong makukuha sa pang-aaway at paninira

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Simula na nga ng kampanya para sa mga tatakbo sa pagka-presidente, bise presidente at iba pang national positions. Naglipana na ang batuhan ng paninira at hindi na maawat ang pang-aaway sa mga kalaban sa pulitika.

Ngunit puwede ba tama na ang awayan at bangayan at ibenta n’yo na lang ang mga sarili sa botante nang sa gayun makilala kayong mabuti at malaman ng mga tao ang inyong plataporma.

Sana iniisip din ng mga kandidato na walang mabu­ting maidudulot ang patuloy na paninira sa mga kalaban sa pulitika dahil nga nag-aaksaya lang ito ng oras na dapat ilaan sa pagpakilala sa sarili sa madla ay nakalimutan ng gawin at hindi na tuloy  sila makikilala ng mga botante.

Hindi pa naman huli ang lahat at may panahon pa kahit nga gahol na sa oras ang ibang kandidato d’yan na walang humpay ang paninira sa mga kalaban nila. Ibahin n’yo naman ang taktika.

At natanto ko na gayahin sana ng mga pulitiko ang ginagawa ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio na ang kanyang istratehiya ay hindi ang nang-aaway kundi ipinakikilala ang sarili at kung ano ang ginagawa bilang mayor dito sa Davao City lalo na sa harap ng pandemya.

Kaya hayun at maraming local government officials ang nakakapulot ng ilang tips kung paano dinadala ni Sara ang isang siyudad na kinokonsiderang pinakamalaki in terms of land area sa buong mundo.

Tumatakbo si Sara bilang bise presidente at ang kanyang pamamaraan sa panghihikayat ng mga botante ay hindi sa pagitan ng paninira at pang-aaway kundi sa pananawagan na mahalin ng mga Pilipino ang Pilipinas.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with