^

PSN Opinyon

Sara, puno ng lakas at stamina

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko maiwasang itanong kung saan kumukuha ng lakas at stamina si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa may 4,600 kilometer na isang buwang paglalakbay sa big bike na nagdadala sa kanya sa buong kapuluan.

Iisipin ko pa lang ang haba ng biyahe at ang pagmaneho ng big bike talagang nakakatulala na. Mahirap nga ‘yon para sa mga lalaki e, sa mga babae pa kaya tulad ni Sara.

Nagsimula ang Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR) ni Sara noong Pebrero 1 dito sa Davao City at sa mga nagdaang araw, ang tinahak niya ay ang eastern sea board mula Davao del Norte, Davao de Oro, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Bislig City hanggang pumunta sa Leyte, Tacloban City at tumawid ng Sorsogon kahapon.

Whew! Ang tibay ni Sara dahil nga pinapaunlakan naman niya ang mga taong naghihintay sa kanya sa daan at nagpapakuha siya ng selfie na minsan nga siya pa kumukuha gamit ang mga camera o smart phone ng mga mamamayan na kadaupang-palad niya sa daan.

At hindi lang ‘yan — tinatanggap ni Sara ang mga binibigay sa kanya ng mga tao maging mga card board na nagwe-welcome sa kanya, mga bulaklak at stuffed toy.

Walang iniiwan si Sara na  mamamayan na hindi niya pinapansin. Lahat sila pinapansin ni kahit pa nga wala siyang pahinga.

Mahaba-haba pa ang biyahe ni Sara sa kanyang MNPR dahil aabot pa siya ng norte at bababa uli pabalik ng Mindanao sa pamamagitan ng western seaboard hanggang makumpleto niya ang loop na sa Davao City siya uli magtatapos.

‘Ika nga ni Sara na sa pamamagitan ng kanyang MNPR, malalaman niya ang mga hinaing ng mga tao sa kanayunan lalo na ang mga tinamaan ng Bagyong Odette.

Abangan na lang ang biyaheng ito ni Sara.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with