^

PSN Opinyon

Multi-specialty Medical Center maitatayo na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa tingin ko, hindi magtatagal, magkakaroon na ng isang pagamutang pangmahirap na may espesiyalisasyon sa iba’ibang uri ng karamdaman. Kasi, lumusot na sa Senado ang bill ni Quezon 4th district Rep. Dr. Helen Tan na pagtatayo ng Multi-specialty Medical Center.  Dapat ma-replicate ito sa ibang rehiyon ng bansa. Ang tawag dito ay Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon.

Kasamang umakda sa bill  si Rep. Wilfredo Enverga ng unang distrito ng lalawigan. Ito ang kauna-unahang pagamutan para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at isa sa magiging apex hospital o end-referral hospital sa lugar.

Ito ay pamamahalaan ng Department of Health na sisiguro sa pag-abot ng mahusay, epektibo, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan. Siyempre, tuwang-tuwa si Congresswoman Tan sa pagpasa ng panukala na aniya ay alinsunod sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Act na kanya ring isinabatas.

Pinasalamatan ni Dr.Tan na tagapanguna ng komite ng kalusugan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga senador sa kanilang suporta partikular na si Senator Bong Go na kanyang counterpart sa Committee on Health. Kung tutularan ito sa ibang rehiyon, makikinabang ang mga pasyenteng mahihirap na madalas napagkakaitan ng medical care.

And please take note, hindi lang mga taga-Quezon ang makikinabang dito kundi ang mga mahirap na pasyente sa Southern Tagalog, pati na ang Metro Manila. Ang mga rehiyong ito ang bumubuo ng pinakamataas na bilang ng mga mamamayan.

Kasama sa mga lalawiganng makikinabang ang Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Quezon, Rizal, Romblon at Aurora kasama ang 1st class highly urbanized na Lungsod ng Lucena. Makikinabang rin sa nasabing panukala ang mga pasyente sa Bicol at maging ang Metro Manila kung saan matatagpuan ang mga specialty hospitals tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute.

MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with