^

PSN Opinyon

Nakaambang panganib

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung matutuloy ang plano, (harinawang hindi) isang ma­laking kalamidad ang posibleng maganap sa mga lala­wigan ng Zambales at Bataan. Sinabi ng kaibigan kong engineer na may isasagawang reklamasyon sa bahagi ng karagatan malapit sa Mall of Asia.

Hindi ang reklamasyon ang problema kundi ang panga­ngailangan ng milyun-milyong tonelada nang malalaking tipak ng bato (boulders) na kukunin sa kabundukan ng Zambales at Bataan. Iyan ang gagawing panambak sa reklamasyon.

Tutol ang kaibigan kong engineer sa gagawing pag-quarry dahil sa environment impact nito sa mga lalawi­gang dati nang nalulubog sa baha sa panahon ng tagbagyo. Pero tila aprubado na ng ilang local officials ng mga lalawigan ang plano dahil siguro sa bilyones na kikitain sa proyekto.

Kasama ang kaibigan ko sa proyekto pero matigas ang pagtutol niya sa pagpapasabog sa bundok. Para hindi na masalanta ang kapaligiran, mayroon siyang iniaalok na teknolohiya na hindi kailangang gumamit ng boulders mula sa kabundukan. Mayroon na umano siyang inihandang proposal na ipiprisinta sa Dutch consortium na gagawa sa proyekto.

Tiyak na hindi ito kukunsintihin ng Department of Environment and Natural Resources na nangungunang tanod ng ating kalikasan. Sana agad itong gawan ng aksyon.

Noong panahon ni Pres. Noynoy Aquino, nabalitaan ko na mayroon nang pinatag na bundok sa Zambales. Ang nakapanghihilakbot, binili umano ito ng China para gamiting panambak sa itinayong artificial island na ginawang base militar. Huwag na sanang maulit ang ganitong kabuktutan.

BATAAN

ZAMBALES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with