^

PSN Opinyon

Bill sa bisyo dapat i-veto

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na ang pagtatag ng Department of Disaster Resi­­lience at iba pang panukala para paigtingin ang COVID response mas inuna pa ng mga ito ang Vape Bill na maari ring maging ugat ng pagkalulong ng mga kabataan sa masamang bisyo.

Kung mayroon mang mga bill na kailangang ibasura ang Presidente para hindi maging batas, ito ang mga bill na nagtataguyod ng masamang bisyo. Noong nakaraang Disyembre ay lumusot na ang Vape Bill sa Senado sa kabila ng pagboto ng “no” ng ilang mambabatas kasama si Sen. Pia Cayetano.

May 59 medical associations ang nananawagan kay Pangulong Duterte na ibasura ang Vape Bill. Kabilang dito sina Dr. Benito Atienza, pangulo ng Philippine Medical Association; Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians; at Dr. Yul Dorotheo,

Kaya nababawasan ang tiwala ng mamamayan sa legis­lature ay dahil hindi nabibigyang prayoridad ang mga mahahalagang bill tulad  ng may kinalaman sa COVID response. Ayaw kong isipin na may pabor na tinatanggap ang ilang lawmaker mula sa mga tagagawa ng mga pro­duktong nakakabisyo. Sana nagkakamali ako.

Galit na galit ni Senator Pia sa pagtanggal sa poder ng Food and Drugs Administration (FDA) para busisiin ang vape products. Sa Vape Bill, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay kukunsultahin na lang ang FDA tung­kol sa pagkakaroon ng technical standards tungkol sa e-ci­garettes. Ayon nga kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, only in the Philippines ang pagbibigay ng poder sa DTI imbes na sa FDA ng ganyang kapangyarihan.

Ayon kina Dr. Philina Pablo-Villamor, head pulmonologist sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu, baga rin ang pangunahing pinupuntirya ng COVID-19, kaya mas malaki rin ang tsansa ng vape users na mahawa sa gitna ng panibagong surge.

Babala ng mga doktor, babaliktarin ng Vape Bill ang mahigpit na regulasyon ng gobyerno sa vapes sa ilalim ng Sin Tax Law, na pinangunahang ipasa ni Senadora Pia Cayetano noong 2020. Ibababa ng Vape Bill ang “age of access” sa vapes sa 18 mula sa 21 years old, at papayagan din nitong paramihin ang flavors ng e-cigarettes para hikayatin ang mga kabataan na tangkilikin ito. Ano ba iyan!

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user