^

PSN Opinyon

Nagbabagong anyo dahil sa urbanisasyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LAKING-siyudad ako, sa Quezon City na panandalian naging capital ng bansa. Pero isang bloke lang mula sa bahay namin, sa gilid ng Santo Domingo Church at likod ng Quezon Boulevard, ay may palayan. Nasa kanto ng kuwadradong taniman ang kubo ng magsa­saka. Sa tabi nu’n ang sabsaban ng kalabaw, na humi­hila ng araro. Anak ng magbubukid ang nagturo sa akin magpalipad ng saranggolang boka-boka.

Sa madaling-araw nauulinigan ang hiyaw ng kina­katay na baboy sa litsonan sa La Loma, kasunod ang busina ng tren sa Sampaloc na biyaheng timog, at ang alas-otso ng umagang sirena ng Manila City Hall.

Out of town na noon ang Pasig at Pateros, Rizal; o Valenzuela, Bulacan. At mahabang biyahe ang patu­ngong Cavite o Pampanga. Ngayon Greater Manila na lahat ‘yan; isang matrapik na megalopolis.

Napakarikit ng Barili, Cebu nu’ng una kong pasyalan­, 1973. Liblib na munisipyo sa tuktok ng bundok. Makapal ang fog mula takipsilim hanggang bukang-liwayway. Pas­tulan ng kambing, at gawaan ng sinelas mula sa balat nito. Ngayon siksikan na ang residential subdivisions at gusali sa magkabilang gilid ng malapad na highway.

Nu’ng una akong pumunta sa Pagasa Island, 1983, ipi­nasyal ako ng Marine captain. Namangha kami nang umakyat ng puno ang isang higanteng coconut crab, sing­laki ng palanggana, sumipit ng bunga, at nang bumagsak ito at nabiyak, nilantakan niya. Pagbalik ko kasama ang captain na heneral na, 2004, parang siyu­­dad na ang Pagasa. May munisipyo, barangay hall, esku­welahan, kur­yente mula solar panels, maraming­ bahay, cellular tower at pier ng mga pangisdang bangka.

Huwag sanang masira ng urbanisasyon ang marami pang magagandang pook: Pagudpud, Ilocos; Banawe, Ifugao; Coron, Palawan; Donsol, Sorsogon; Panglao, Bohol; Malaybalay, Bukidnon; atbp.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

URBANISASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with