^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Stranded OFWs dapat ayudahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Stranded OFWs dapat ayudahan

Maraming overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Hong Kong at Taiwan ang nana­natili pa ring stranded sa kasalukuyan sapagkat ipinaiiral pa rin ang travel restrictions sa dalawang nabanggit na bansa. Bukod sa Pilipinas, walong bansa pa ang hindi pinapayagang makapasok dahil­ sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Nag­simula ang travel ban noong Enero 8. Ayon sa report, dalawang linggo umano ang ipatutupad na travel ban na dapat ay nagtapos noong Sabado (Enero 22) subalit wala pang advisory kung aalisin­ na ito. May report na hindi pa raw aalisin ng Hong Kong at Taiwan ang ban dahil patuloy pa ang pag­dami ng COVID-19 sa bansa. Hangga’t maraming kaso, malabong ma­ka­balik doon ang mga Pilipino. Kabilang sa mga bansa na hindi pinapapasok sa Hong Kong ay ang Australia, Canada, France, India­, Pakistan, Britain, at United States. Ang mga nabanggit na bansa ay may mataas na kaso ng Omicron variant.

Noong nakaraang Disyembre, maraming OFWs ang umuwi sapagkat dito sila nagselebreyt ng Pasko at Bagong Taon. Marami sa kanila ang nakatakdang bumalik sa Hong Kong at Taiwan ng Enero 16 pagkaraan ng isang buwang bakasyon. Pero ganun na lamang ang pagkadismaya ng OFWs sapagkat aga­rang nagpatupad ng travel ban ang dalawang bansa. Maraming OFWs mula probinsiya ang nagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanilang scheduled flight pero nalaman nilang may travel ban. Hindi inaasahan ng OFWs ang biglaang restrictions.

Marami sa OFWs ang wala nang pera dahil sa nagdaang Pasko at Bagong Taon. Inaasahan nila na makakabalik sa bansang pinagtatrabahuhan at susuweldo para maipadala sa pamilya. Problema nila kung saan kukuha ng panggastos lalo’t walang kasiguruhan kung kailan ili-lift ang travel ban.

Nararapat ayudahan ang mga apektadong OFWs. Bigyan sila ng pinansiyal na tulong. Ang pagkilos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang inaasahan sa pagkakataong ito. Kawawa naman kung hindi maaayudahan ang mga OFWs. Bukod sa tulong pinansiyal dapat ding ilibre ang COVID­ test o RT-PCR test na isa sa requirements ng mga pabalik na OFWs bansang pinagtatrabahuhan. Huwag­ pabayaan ang OFWs.

OFWS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with