^

PSN Opinyon

Rep. Helen Tan tatakbong gobernadora ng Quezon

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act No. 11642. Tinatawag itong “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act”. Akda ito ni Quezon Rep. Helen Tan na isa ring medical practitioner. Sa batas na ito, maitatatag na ang National Authority for Child Care (NACC).

Magiging attached-agency ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa ating paligid, kayraming batang lansangan ang palabu-laboy. Nanlilimahid at walang tahanan. Marami ring mga tinatawag na abandoned children na matatagpuan sa mga orphanages na walang nakamulatang mga magulang.

Sa pamamagitan ng batas na ito, mapapabilis ang paghahanap ng kakalinga sa mga batang ito na maaaring­ magiging magagaling na leader ng bansa sa kinabukasan. Sana, epektibo ring matugunan ng batas na ito ang problema sa child trafficking o illegal na pagbebenta ng mga bata, lalo na ang mga abandonado na kalimitan ay minamalas at ‘di nakakatagpo ng tamang pagkalinga.

Isang problema pa ay ‘yung mga marurungis na batang nakaupo sa mga bangketa at sumisinghot ng solvent na labis na nakasisira sa kanilang kalusugan, partikular sa isipan. Saklawin din nawa ng batas ito upang matuldukan na ang problema ng mga kabataang napapabayaan kaya naligaw ng landas.

Ayon kay Doc. Helen, layunin ng batas na ito na magkaroon ng isang ahensya na nakatutok sa maayos, mabilis, at tamang proseso ng pag-aampon. Ipinaliwanag ni Doc. Helen na isa sa mga layunin ng batas ay ang pag­bibigay ng pagkakataon sa mga nais at kuwalipikadong mag-ampon ng mas mabilis na proseso at dumaan sa pag­susuri ng ating mga eksperto.

Last term na ito ni Dr. Tan bilang Representante. Ang pinupuntirya naman niya ngayon ay ang pagiging gobernadora ng Quezon. Balita ko lumalakas ang suporta ng mga taga-Quezon kay Dr. Tan dahil sa mga magagandang proyekto niya. May track record na mahusay wika nga. Kahit ang mga taga-barangay na nakikipag-chat o lumalapit sa kanya ukol at humihingi ng tulong ay inaaksiyunan niya agad.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with