^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon ng pamemeke

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panahon ng pamemeke

Nagsulputan ang mga namemeke ngayon ng iba’t ibang produkto na may kinalaman sa pandemya. Sinasamantala ang pagkakataon para makakamal ng pera. Ginagawa ang lahat para maka­panloko ng kapwa.

Nang mag-panic buying ang mga tao sa mga gamot para sa ubo, sipon at lagnat, biglang naubos ang mga ito sa botika. Iglap naglabasan ang mga counterfeit medicines. Kahun-kahon na gamot para sa lagnat, sipon, ubo at diarrhea – pawang sintomas ng COVID-19 ang naglabasan. Kaparehung-kapareho ng mga gamot na mabibili sa botika kaya mahihi­kayat ang mga tao. At bukod doon, mas mura ang mga ito kaysa sa mga gamot na nasa lehitimong botika.

Noong nakaraang Lunes, nakakumpiska ang mga pulis ng mga pekeng gamot para sa lagnat at ubo sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City na nagka­kahalaga ng P109,000. Dalawang lalaki ang nahuli sa isinagawang entrapment operation dakong alas nuwebe ng gabi. Nakatanggap ng sumbong ang mga pulis na dalawang lalaki ang nagbebenta ng mga pekeng gamot na kinabibilangan ng para­cetamol, mefenamic acid, solmux, amoxicillin tri­hy­drate, amlopidine besilate, losartan at loperamide. Ang mga gamot ay nakalagay sa 30 kahon. Kinumpiska rin ng mga pulis ang dalawang van ng mga suspect na pinagsakyan ng mga pekeng gamot. Sinampahan ng paglabag sa RA 8203 (Special Law on Counterfeit Drugs.

Nang araw ding iyon, nahuli rin ng mga pulis sa Bgy. Krus na Ligas, Quezon City ang dalawang lalaki na nagtitinda ng antigen rapid test kits na nagkakahalaga ng P2 milyon. Ang mga test kits ay nakalagay sa 300 boxes. Ang mga suspect ay kabilang sa mga sindikato na naka-base sa Sta. Cruz, Manila na noon ay nasangkot na sa illegal sale ng COVID-19 Clungene test kits. Sinampahan na ng kaso ang mga suspect.

Panahon ng pamemeke at tiyak na ang penepeke na ngayon ay ang vaccination cards. Mahigpit nang ipinatutupad ang “no vaccine, no ride” policy kaya sasamantalahin ito ng mga namemeke. Madaling pekein ang vaccination cards kaya nararapat na maging alerto ang PNP.

Huwag hayaang mamayagpag ang mga name­meke sa panahong ito. Kakalat ang virus dahil sa masamang gawaing ito.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with