^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bahay-bahay na pagbabakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bahay-bahay na pagbabakuna

Isinusulong ng Malacañang na gawing bahay-bahay na ang pagbabakuna para maabot ang target na bilang ng mga mamamayang bakunado sa buong bansa. Magandang paraan din ito upang mapataas ang vaccination campaign. Kung pupuntahan sa bahay ang mga senior citezens at iba pang walang kakayahang magtungo sa vaccinations sites, malaking bilang ang madadagdag sa mga bakunado.

Sabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na marami, lalo ang mga senior citizens at may iniindang karamdaman ang hindi makapagtungo sa vaccination centers. Dahil dito, nararapat paigtingin ng local government units (LGUs) ang pagpunta sa mga bahay-bahay para bakunahan ang mga ito. Ayon kay Nograles, marami pa ang hindi bakunado sa labas ng National Capital Region (NCR) kaya nararapat na mapaigting hanggang sa maabot ang target na bilang ng populasyon.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 70 percent na ng populasyon ang nabakunahan kasama na rito ang nabigyan ng booster shots. Target na ring mabakunahan ang mga bata na limang taong gulang pababa.

Pataas pa nang pataas ang bilang ng arawang kaso ng COVID. Kahapon, pumalo sa 37,154 ang naitalang kaso ng Department of Health (DOH). Sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dodoble pa ang kaso sa Pebrero ganunman sinabi niya na ang case doubling time ay nakitaan ng pagbagal sa NCR.

Paigtingin ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots. Ikasa ng LGUs ang pagbabahay-bahay para maabot ang target na bilang ng populasyon. Hikayatin ang mamamayan na magpabakuna na para may proteksiyon. Ayon sa report, karamihan sa mga naoospital ngayon ay hindi bakunado. Sila ang tinatamaan na hindi sana nangyari kung nagpabakuna agad laban sa COVID.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with