^

PSN Opinyon

Limitadong paggalaw para sa mga di-bakunado, ipatutupad sa Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Sa kasalukuyan, napakaraming indibidwal at pamilya ang nag-positive sa coronavirus. Bagama’t marami na rin ang nakakumpleto ng bakuna at booster shots, nais pa rin namin sa Makati na mas protektahan ang mga residente at empleyadong nagtatrabaho sa lungsod.

Sang-ayon ako sa naging suhestiyon ng mga mayor sa Metro Manila na limitahan ang paggalaw ng mga hindi bakunadong residente para mapigilan ang higit na pagkalat ng virus. Nitong nagdaang linggo, ipinasa ang dalawang bagong ordinansa sa Sangguniang Panlungsod.

Ang una ay ang malawakang paggamit ng UMake Makati Safe QR Code System {City Ordinance No. 2022-006} para sa contact tracing sa lahat ng establisimento sa buong lungsod at ang ikalawa ay ang pagpapatupad ng Regulated Mobility of Unvaccinated Individuals in the City of Makati {City Ordinance No. 2022-005}.

Ang UMake Makati Safe QR Code System ay dati nang ginagamit para sa contact tracing. Ngayon ay gagawin na itong requirement para irecord ang lahat ng lugar o opisi­nang pinuntahan ng isang indibidwal sa loob ng Makati. Mas mabilis kasing makikita kung sinu-sino ang mga nakahalubilo ng isang taong nag positive sa COVID-19 sa pamamagitan ng pag-rereview ng entries sa system.

Required ang lahat ng negosyo o establisimento na ipagamit sa lahat ng kanilang empleyado at kliyente ang QR Code system.

May multang P1,000 para sa first offense; P3,000 para sa second offense; at P5,000 o pagkakulong ng hanggang anim na buwan para sa mga indibidwal na lalabag sa ordinansang ito.

Samantala, para sa mga negosyo at establisimento na hindi susunod sa ordinansa, ang mga parusa ay: closure for three (3) days at multang P5,000.00 para sa first offense; Closure for one (1) month at multang P5,000.00) para sa second offense; at Closure for a period not ­exceeding one (1) year at multang (P5,000.00) or pagkakulong ng hindi lalamapas sa isang taon para sa third offense.

Minabuti ng pamahalaang lungsod na maghigpit sa pagpapatupad ng public health safety standards and health protocols para sa kaligtasan ng ating mga Makatizen at kanilang mga mahal sa buhay.

Kakambal ng paghihigpit sa contact tracing ang paglilimita ng paggalaw o mobility ng mga walang bakuna. Kasama sa ordinansang ito hindi lamang residente ng Makati, kundi lalo na yung mga galing sa ibang lugar na dumadayo lamang dito.

Hindi po papayagan sa mga kainan, bars, mall, hotel, event venues, sports and country clubs, at iba pang lugar  ang mga non-vaccinated individuals hanggang nakataas ang alert level 3 sa Makati. Kapag bumaba ulit ang alert level warning ay maaaring i-consider na payagan silang makapunta o makapasok sa mga nasabing lugar.

Sa ngayon ay bawal din sa unvaccinated ang local travel by land, sea, and air maliban lamang sa pagpasok sa trabaho, pagpapaospital, at pagbili ng kinakailangan sa araw-araw.  Kung nagtatrabaho on-site ang nasabing indibidwal ay kailangan nyang magpa-RT PCR test every two weeks at sagot nila ang bayad dito para patuloy silang papasukin sa trabaho.

Sa tagal na nating nagbibigay ng libreng bakuna para sa lahat ay wala na akong nakikitang dahilan para hindi fully vaccinated ang isang Makati resident o empleyado. Bukas pa rin ang ating Bakuna Makati vaccination sites para sa mga gustong humabol.

COVID-19 VACCINATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with