^

PSN Opinyon

Huwag mameke ng vaccine cards

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dapat igalang ang desisyon ng mga taong ayaw magpabakuna dahil sa takot o pangambang baka masama ang maging epekto ng COVID vaccine sa kanilang mga kalusugan. Pero nakatutuwa naman na dinaragsa na ng mga tao ang mga vaccination centers dahil nagkaroon na ng public awareness tungkol sa umiiral pa ring pandemya.

Pero kaugnay ng policy ng pamahalaan na huwag payagan makapasok sa mga public places o makasakay sa publikong transportasyon ang mga hindi bakunado, huwag sanang maisipan ang paggamit ng mga pinekeng vaccine cards. Hindi lang natin dinaraya ang ating sarili kundi malamang na magdulot tayo ng kapahamakan sa ibang tao.

Sa hitsura pa lang ng mga vaccine cards ay napakadaling ipeke ng mga ito kahit hindi ka magpunta sa Recto na kilala sa paggawa ng lahat ng uri ng bogus. Basta’t may computer, printer at scanner ka, makakagawa ka ng anumang dokumento na kakailanganin pa ng masusing pagbusisi para malaman na peke ang mga ito.

Sensitibong isyu ang pamemeke ng mga vaccine cards dahil malalang sakit na ang pinag-uusapan. Kung hindi ka bakunado at nakalusot kang makasakay sa public transportation o makisalamuha sa ibang tao sa mga public places, malamang na magkalat ka ng virus kung taglay mo ito nang hindi mo nalalaman.

Pati kasi karamdaman ay hinahaluan na ng pulitika. Sinasabi na ang pandemya ay pakulo lamang ng gobyerno at ang mga nangyayaring pagkakasakit ng ubo, sipon at trangkaso sa panahong ito ay karaniwan lamang sa ganitong panahong pabagu-bago ang klima. Pero hindi lamang sa ating bansa nangyayari ito kundi sa buong daigdig.

Kaydami nang nabakunahan at sa pangkalahatan, mabuti ang naging epekto nito dahil ang higit na nakarara­ming dinapuan ng malalang sakit ay yung mga hindi bakunado. Mas marami rin ang namatay na hindi tumanggap ng full dose ng bakuna. Kaya para sa akin, Mas mabuti na ang magpabakuna kaysa magsisi.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with