^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isa pang mamamahayag ang walang awang inutas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isa pang mamamahayag ang walang awang inutas

PARANG manok na binabaril ang mga mamamahayag sa Pilipinas. Halos buwan-buwan ay may itinutumba. Tama ang sinasabing nasa hukay ang kalahati ng katawan ng mga mamamahayag sa bansang ito.

Noong nakaraang Miyerkules, binaril at napatay ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ang radio commentator na si Jaynard Angeles ng Tacurong City, Sultan Kudarat. Nasa isang car repair shop si Angeles nang barilin. Tinamaan siya sa ulo.

Si Angeles ay commentator sa Radio ni Juan radio station at kandidatong konsehal sa bayan ng Lambayong. Binaril siya ilang araw makaraan ang election gun ban. Noong nakaraang Disyembre 2021, binaril at napatay din ang correspondent ng Manila Standard na si Jesus Malabanan. Nasa loob ng kanyang sari-sari store si Malabanan sa Calbayog City, Samar nang isagawa ang pagpatay. Sabi ng Philippine National Police, may kinalaman sa lupa ang motibo ng pagpatay kay Malabanan at hindi sa pagiging mamamahayag nito. Ganunman, wala pa ring naaaresto sa pagkakapatay kay Malabanan.

Posible naman na ang pagkakapatay kay Angeles ay maaaring may kinalaman sa pulitika. Tiyak na ang pagpaslang sa kanya ay matatambak din sa dami ng kaso na hindi na malulutas. Si Angeles ang ika-23 mamamahayag na pinatay sa ilalim ng Duterte administration.

Sa index report ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong nakaraang taon, pampito ang Pilipinas sa pinaka-masamang bansa para sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Somalia, sumunod ang Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, Mexico, Brazil, Pakistan, Bangladesh, Russia at India. Noong nakaraang taon, pampito rin ang Pilipinas sa mga bansang mapanganib sa mga mamamahayag.

Noong nakaraang taon, dalawa pang mamamahayag ang pinatay na kinabibilangan nina Orlando “Dondon”Dinoy at Renante Cortez. Hindi pa rin nalulutas ang kaso nina Dinoy at Cortez. Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay naganap noong Nob. 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindano.

Maraming Presidente na ng bansa ang nangakong puprotektahan ang mamamahayag subalit naging bulaklak lamang ito ng dila. Kailan matatapos ang pag-utas sa mga mamamahayag?

JOURNALIST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user