_ngayon
^

PSN Opinyon

Sino ang sisisihin sa corruption?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG tunay na dahilan  kung bakit walang kaunlaran ang bansa ay ang corruption o pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sinisisi natin ang mga tiwali sa gobyerno pero ang tunay na rason ay tayong mga taumbayan na bumoto para ma­ipuwesto ang mga kurakot.

Mayroong tinatawag na collegial sin o kasalanan ng lahat. Ito ang pagboto natin sa mga kandidatong manda­rambong, mula sa Presidente, mambabatas at mga local na ehekutibo. Walang taong puwedeng mag-itsapuwera sa sarili sa pananagutang ito dahil ang kasalanan ng nakararami ay kasalanan ng lahat.

Nabawi na natin ang demokrasya mahigit 30-taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng EDSA revolution. Gayunman, ang pangako ng EDSA ay hindi natupad dahil sa ating kapabayaan. Ang pagbawi sa demokrasya ay nangangailangan ng pagpapanatili nito. Ang pagpapanatili nito ay nasa kamay ng taumbayan. Nakalulungkot pero naging pabaya tayo.

Binayaan nating mabili ng mga dirty politicians ang ating mga boto sa pamamagitan ng kaunting barya o matamis na pananalita at pangako. Huli na para magsisi.  Walang corrupt kung walang mangungurap. 

Madalas, dahil nagmamadali tayong matapos sa pakikipagtransaksyon sa gobyerno, tayo ay naghahatag ng padulas. Kapag hinuli tayo sa traffic violation, nagbibigay tayo ng lagay sa pulis o enforcer. Sa mga public biddings, ang makapagbibigay nang pinakamalaking lagay ang nananalo.

Lubhang malalim na ang ugat ng corruption at tayong mga mamamayan ang nagsilbing matabang lupa na pinag­tamnan nito. Kung sadyang nais natin ng mabuting pama­mahala, sugpuin na natin ang pangit na kulturang ito.

CORRUPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with