^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi bakunado, ‘di-makakasakay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi bakunado, âdi-makakasakay

Patuloy ang pagtaas ng COVID cases sa bansa. Kahapon, mahigit 34,000 ang arawang kaso at maaari pa raw tumaas, ayon sa health experts. Ganunman, kahit dalawang linggo nang mataas ang kaso, mananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Metro Manila. Hindi raw makabubuti kung itataas pa ang Alert Level sapagkat maaapektuhan ang ekonomiya. Maski ang World Health Organization (WHO) ay hindi pabor na itaas pa ang Alert Level.

Kamakailan, sinabi ni President Duterte na hig­pitan ang galaw ng mga hindi bakunado. Nag-utos pa ang presidente na arestuhin ang mga guma­galang indibiduwal na hindi bakunado lalo na sa National Capital Region (NCR). Ang NCR ang may pinakamataas na kaso ng infection.

Para mapigilan ang mga hindi bakunado na makagala pa, isang kautusan ang ipinalabas ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na papayagang makasakay sa lahat ng pampublikong transportasyon ang mga hindi bakunado. Sakop ng kautusan ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3. Mapasasakyang panglupa, panghimpapawid at pandagat ay sakop ng kautusan ng DOTr.

Sa ilalim ng kautusan na magkakabisa sa susunod na linggo, inaatasan ang attached agencies at sectoral offices ng DOTr na ipatupad ng mga ope­rators ng public transportations ang pagbabawal na makasakay ang hindi bakunado. Mag-iisyu lamang umano ng tiket ang PUVs sa mga fully vaccinated na pasahero. Dapat magpakita ng LGU-vaccine card ang mga sasakay na pasahero. Ang mga taong may medical conditions na hindi puwedeng bakunahan ay kailangang magpakita ng medical certificate mula sa kanilang doktor na nagsasaad na exempted sila sa “no vaccination, no ride” policy.

Kailangang gawin ang lahat nang paraan para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID. Ang “no vaccine, no ride” ay tamang paraan na dapat sundin ng lahat. Paraan din naman ito para mapilitan nang magpabakuna ang hindi pa bakunado. Hikayatin naman ng LGUs ang kanilang nasasakupan na magpabakuna na.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user