_ngayon
^

PSN Opinyon

Mga tiwaling kontrata iisa lang ang script

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Tila nakaplaka na ang mga tiwaling kontrata sa gobyerno. Niluluto ang mga ito sa tagong negosasyon imbes na public bidding. Pinapaboran ang kontratistang kapos sa kapital at walang karanasan. Kapag nabisto, labis-labis ang pagkakaila. Nadadamay, nalulubog ang presidente.

Dalawang buwan pa lang ang PH Trams nang biya­yaan nu’ng 2012 ng maintenance ng Metro Rail Transit-3, binisto rito sa Sapol. Ang paid-up capital ay P62,500 lang (pinaka-mababang kailangan sa authorized capital na P1 milyon). Walang alam sa riles. “Emergency” kunwari kaya paspasan ang negosasyon. Binayaran ito ng P575 milyon sa loob ng 10 buwan – 9,200 beses kaysa kapital nito.

Dalawang beses nilipat ang kontrata sa mga bagito ring kompanya, pero pareho ang mga may-aring kadikit ng ruling party. Nabulok ang MRT-3 pero binalewala ito ni noo’y-President Noynoy Aquino. Kinasuklaman ang admi­nistrasyon niya. Sinakdal ang transport secretary nu’ng 2018. Sinentensiyahan ang MRT chief nu’ng 2020.

Anim na buwan pa lang ang Pharmally Inc. nang kontratahin para sa emergency pandemic supplies mula Abril 2020. Paid-up ay P625,000 lang (pinakamababa para sa authorized na P10 milyon). Financier-guarantor si Michael Yang, kaibigang Chinese at economic adviser ni President Rody Duterte. Nagbulungan lang ng presyo ng personal protective equipment, face mask at shield. Sa loob ng 10 buwan kumabig ng P12 bilyon, 19,200 beses kaysa kapital nito.

Nanlulupaypay na ang StarPay nu’ng gawing tagapamahagi ng P50 bilyong ayuda nu’ng 2020, anang mga senador. Sa kapital na P62,500, nakakontrata ito ng 800,000 beses kaysa halaga nito. Hindi nito naipamahagi ang P8.2 bilyon sa dalawang milyong maralitang pamilya.

Mabilis, malalim lumubog ang kasikatan ni Duterte.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

EMERGENCY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with