^

PSN Opinyon

2022, year of the Political Fanaticals

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nasaksihan ang ganitong grabeng pagkakahati ng bansa. Halos dinidiyos na ng kani-kanilang followers ang mga foremost presidential contenders na sina Ferdinand Bongbong Marcos at VP Leni Robredo. Ang mga panatikong taga­sunod ay handang makipagpatayan sa pagtatanggol sa kanilang mga pambato.

Ang dalawang kampo ay nagbabatuhan ng masasakit na salita at akusasyon sa isa’t isa. Kung pahihintulutan akong bigyan ng pangalan ang ganitong uri ng pulitika, tatawagin ko itong fanatical politics. Hindi lang ang dalawang political figures ang nagtutunggali kundi pati ang taumbayan na sumusuporta sa kanila.

Sana huwag natin isara ang ating mga utak sa iisang kandidato. Wika nga, keep our option open at pag-aralan din nang malaliman ang ugali at kakayahan ng ibang kandidato sa pagka-pangulo.

Kung patuloy na iiral ang ganyang attitude ng maraming botante, delikado ang lagay ng bansa kahit sino ang magwagi kina Marcos at Robredo. Kawing-kawing at walang katapusang protesta na hadlang sa pag-unlad ng bansa ang sasalubong sa sino mang mananalong Presidente. Kaya naiisip ko na sa halip na pagpipilian ko sina Marcos at Robredo, mabuti pang iboto ang ibang kandidato na hindi naman magiging kuwestyonable kung ito’y maihahalal.

Dahil sa mga mararahas na salita ng maraming supporters ng dalawang kandidato, sina Marcos at Robredo ay nagmimistulang barbaro na nasa isang madugong pag­tutunggali. Maaaring hindi nila kasalanan ito pero kaga­gawan ng ilang supporters na nag-aakalang mabuti ang kanilang ginagawa sa kani-kanilang pambato.

Isipin nawa nating mga botante na malamang sa  malamang, hindi naman natin personal na kilala ang mga kandidato tulad ng pagkakilala natin sa ating mga kaibigan. Ang nakalulungkot, maraming pagkakaibigan ang nasisira dahil sa pagkakaiba ng kanilang napipiling kandidato.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with