^

PSN Opinyon

Pekeng gamot

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ngayong nagkakaubusan na ng gamot gaya ng Biogesic, Neozep, Bioflu at iba pa dahil sa Omicron variant ng COVID-19 na mas mabilis makahawa, hayan at may balita nang may shortage na sa mga nasabing brands ng gamot.

Ngunit sana maging mas maingat din tayo sa pagbili ng mga gamot na panlaban sa lagnat, ubo, sipon at sore throat na kadalasang sintomas ng COVID-19 infection dahil nga marami ring mapagsamantalang nagbebenta ng pekeng gamot na gamit ang branded names nito.

Share ko lang ang first hand experience ko ukol dito. Minsang bumiyahe ako lulan sa fast craft galing Sandakan, Malaysia patungong Zamboanga City may ilang taon na ang nakararaan, may nakatabi akong lalaki na nagpakilalang negosyante raw siya at nakararating pa nga raw siya ng India kung saan siya kumukuha ng mga gamot na may mga brand name naman.

Nag-offer siya sa akin na puwede niya akong gawing ahente ng kanyang mga gamot na ibebenta ko raw sa mga botika sa buong Mindanao sa napakababang presyo at tiyak, tiba-tiba ang kita ko rito.

Sabi ng mamang negosyante, wala raw ipinagkaiba sa packaging dahil nga galing India at pareho lang din ang hitsura nito sa mga tunay at legit na gamot.

Kasagsagan ito noong panukalang “murang gamot para sa lahat” program ng pamahalaan ngunit kuwestiyunable naman at ito ay nagbigay-daan sa pagpasok ng smuggled medicines galing India na hindi na nga dumaan sa Food and Drug Administration (FDA).

At ngayon ay naglipana na naman ang balitang may shortage ng mga nasabing gamot lalo na sa National Capital Region at sa ibang pangunahing mga localities dito sa bansa.

At hindi malayo na siguradong titiba na naman ang mga nangangalakal ng mga pekeng gamot.

vuukle comment

COVID-19

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with