^

PSN Opinyon

10 magaganap sa 2022

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa nagdaang 2021 nagsimulang malutas ng mundo ang COVID-19 ng bakuna at gamot. Ngayong 2022, masa­sanay tayo sa mga bagong realidad. Sampung pagba­bago at kaganapan ang inaasahan ng mga eksperto ng The Economist:

(1) Lalala ang hidwaan ng America at China. Demo­krasya ba o diktadurya ang mainam sa kalakalan, tekno­lohiya, at medisina?

(2) Mai-immune ang mayorya ng tao sa mundo sa COVID-19. Matuturing na karaniwang flu virus na lang ang SARS-CoV-2. Mag-a-outbreak na lang ito tuwing tag­lamig at sa mahihirap na bansa.

(3) Magmamahal ang mga bilihin dahil kakapusin ang petrolyo. Kakapusin din ang skilled labor sa enerhiya at paggawa ng kotse.

(4) Mananatili ang work-from-home, lalo na ang mga nanay at buntis. Isyu ang pagbubuwis sa kanila at promotion sa trabaho.

(5) Maghihigpit ang mga gobyerno kontra pagmamanipula ng facebook, tiktok, at iba pa sa utak ng online users­. Mauuso ang online sa bentahan, hindi na sa games. Gaga­mitin ito ng China sa pandigma.

(6) Maglalabas ang bawat bangko sentral ng crypto-currencies.

(7) Lalala ang mga baha, tagtuyot at wildfires sa mundo. Pero babalewalain pa rin ng mga gobyerno ang global warming na dulot ng polusyon. Grabe sa lahat ang China at America.

(8) Mauuso uli ang pagbiyahe sa lokal at abroad. Turismo ang bubuhay sa maraming ekonomiya, maski pangit ang mga hotel, resorts, sasakyan at serbisyo.

(9) Dadagsa ang space travel ng mayayaman. Darami ang space stations at paliliparing space craft sa buwan, Mars at Jupiter. Titindi ang girian ng militar ng America, China at Russia sa outer space at sa buwan.

(10) Mapupulitika ang sports – Winter Olympics sa Beijing at football World Cup sa Qatar – ng mga tutuligsa sa diktadurya.

May sarili akong «hula»: Mabubuwisit ang mga nag-iisip na Pilipino sa bugok na pulitika. Mawawalan sila ng ganang magbayad ng buwis. Ilalantad ang katiwalian at abuso ng dynasties.

COVID-19

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with