^

PSN Opinyon

Salamat #ProudMakatizens sa makabuluhang 2021!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Happy New Year, mga mahal kong Proud Makatizens. Nawa’y naging masaya ang pagsasama-sama ng inyong pamilya at mahal sa buhay ngayong bagong taon.

Noong 2021, marami tayong nagawa bilang isang komunidad. Sa kabila ng mga pagsubok ay hawak-kamay nating hinarap ang mga hamon. Patuloy tayong naka­tayo at nakabangon sa tulong ng isa’t isa at ng Poong Maykapal.

Isa sa pinakamalaking accomplishments natin ang Bakuna Makati Program. As of December 29, 2021 ay nakapagbigay ng 1,020,773 doses ng bakuna kontra COVID ang Makati.

Mayroon tayong 472,714 fully vaccinated Makatizens, na lampas sa ating target na 437,192 para makamit ang herd immunity.

Nagkaroon tayo ng Vax on-the-go, na kauna-unahang drive-thru vaccination site sa buong bansa para gawing mas mabilis at convenient ang proseso ng pagbabakuna. Sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor ay nagkaroon tayo ng malawakang pagbabakuna para sa mga nagta­trabaho sa Makati kaya naman mas mabilis nating naabot ang ating target para sa herd immunity.

Nagbigay din tayo ng cash incentives para sa fully vac­cinated na senior citizens. Patuloy din ang pagbibigay ng flu at pneumonia vaccines para mas palakasin ang immune system ng Makatizens.

Mas binigyan ng #AlagangMakatizen ang ating frontliners na walang-sawang naglilingkod sa pamamagitan ng dagdag na vitamins at pagbibigay ng hazard pay.

Hindi rin natin hinayaan na matigil ang pagkatuto ng mga batang Makatizen dahil suportado ang lahat ng kani­lang pangangailangan sa online classes. Nakapag­handa na rin para sa nalalapit na resumption ng face-to-face classes dahil naipamahagi na ang kanilang mga uniform, naggagandahang school bags, sapatos, at sari-saring school supplies.

May teachers kit din para sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan para makasabay sa demands ng tek­no­lohiya at iba pang makabagong pamamaraan sa pagtuturo.

Higit sa lahat, hindi natin hinayaang mahinto ng pan­demya ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa ating mga nasasakupan. Nagtayo tayo ng Makatizen Hub sa SM Makati kung saan pwedeng gawin ang mga transaksyon tulad ng pagkuha ng permits, pagbabayad ng buwis, at iba pang mga dokumento. Hindi na dadayo at pipila pa sa City Hall para sa mga ito. Naging mas ligtas, mabilis, at convenient ang proseso para sa mas nakararami.

Ilan lamang ito sa major accomplishments natin ngayong 2021. Nakakabilib dahil parang imposibleng magawa ngunit nakaya natin ito, salamat sa ating pagtutulungan at kooperasyon.

Sa pagsalubong natin sa 2022 ay muli kong hinihingi ang inyong tiwala at patuloy na suporta para sa mga programang inihanda ng pamahalaang lungsod para sa ating lahat.

Ipagpapatuloy natin ang lahat ng ating magandang nagawa at nasimulan noong nakaraang taon, at magdadagdag  tayo ng mga proyekto at inobasyon na tutulong para palakasin ang mga negosyo at trabaho sa Makati.

Salubungin natin ang mga bagong hamon ng 2022 na may galak sa ating puso, tiwala sa isa’t isa, pananampalataya, at pag-asa.

SM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with