^

PSN Opinyon

Makakarating sa mga nasa liblib

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Napakalawak nang pinsalang dulot ng Super Bagyong Odette sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao na nakaapekto sa libu-libo nating mga kababayan lalo na sa Surigao provinces, Bohol at Cebu.

Nilagay na ni Pres. Rodrigo Duterte ang anim na rehiyon sa state of calamity upang mapadali ang recovery at relief efforts para sa mga nasalanta.

“President Duterte has placed six regions battered by Typhoon Odette under a state of calamity, a declaration that puts in place a price freeze and allows the release of emergency funds.

Under Proclamation No. 1267 that Duterte signed on Tuesday, the regions of MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao and Caraga will be under a state of calamity for one year “unless sooner lifted in accordance with law.”

Totoong marami ring private organizations at foundations gaya ng Operation Damayan ng STAR Group of Companies ang nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhang mamamayan.

Ang Operation Damayan ng STAR ay alam kong maayos at may sistema sa paghahanda hanggang sa distribution ng relief goods sa mga biktima sa anumang sakuna na dumarating,

Ngunit sana yung mga kababayan natin at maging mga dayuhan na tutulong ay maisaayos ang distribution ng kanilang relief goods at nang makakarating din ito sa mga nasa liblib na lugar na dinaanan ng Bagyong Odette.

Ang ibig kong sabihin, alamin din natin muna kung anong mga areas na ang natapos bigyan at doon tayo sa mga hindi pa nabibisita ng donors para sa ganun ay makakatanggap naman ang iba nating mga kababayan na malayu-layo sa sentro ng bayan.

Ang nangyayari kasi minsan, isang komunidad lang ang parating nakakatanggap dahil dinadaanan sila ng mga sasakyan ng donors. Habang ang mga nasa malayu-layo o medyo liblib ay walang natatanggap. Minsan kasi mas madali at mas mabilis ang pamimigay sa mga areas na accessible ngunit nangangailangan din ‘yung mga nasa kalayuan.

Nawa ang diwa ng Pasko ay maipadama natin sa lahat.

vuukle comment

SUPER TYPHOON ODETTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with