^

PSN Opinyon

Tulungan, mga sinalanta ng Bagyong Odette

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nakakabangon ang bansa sa mapaminsalang COVID-19, super bagyo naman ang humagupit sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao. Maraming namatay at nawalan ng tirahan. Talagang sinusukat ang tatag ng mga Pilipino.

Matibay ang ating mga kababayan sa pagharap sa anu­mang kalamidad kaya pilit na ibinabangon ang nadapa nilang pamumuhay. Napakalawak ng pinsalang dulot ng Bagyong Odette at nangangailangan ng tulong ang ating mga kababayan. Humihingi sila ng tulong sa mga taong may magagandang kalooban upang maitayong muli ang kanilang nasirang bahay at makabangon sa pagkalugmok.

Ubos na ang pondo ng bayan matapos na gamitin sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at pagbibigay ng ayuda sa mamamayan. Maging si President Duterte ay umaming kinakabahan kung saan siya kukuha ng pondo upang matulungan ang mga Pilipinong nahaharap sa pagka-gutom. Nanawagan ang presidente sa lahat ng local government units (LGUs) na gamitin na ang mga natitirang emergency fund upang maitawid sa pagkagutom ang kani-kanilang constituents sa mga lugar na labis na sinalanta ng Bagyong Odette.

Subalit tila hindi na sasapat ang pondo ng LGUs para tustusan ang pangangailangan ng kanilang nagugutom na constituents. Ayon sa LGUs aabutin na lamang ng isa hanggang dalawang linggo ang kanilang pondo at wala na umano silang pagkukunan.

Malaking halaga ang kailangang pondo ng bawat lala­wigan na sinalanta ng Bagyong Odette. Wasak na wasak ang mga kabahayan, infrustucture, agrikultura, electric power lines, communications at maging ang mga pinaghahanap­buhayan ng mga tao. Bilyong piso ang kailangan ng pama­halaang Duterte upang maibalik ang pamumuhay ng mga sinalanta ng Bagyong Odette. Kaya sa puntong ito, may mga kompanya sa ngayon at mga non-government organization ang nangangalap ng pondo upang maitulong sa mga biktima ng bagyo.

Kabilang na rito ang Damayan Foundation ng Philstar Media Group  na sinimulan ng namayapang Mam Betty Go Belmonte. Sa tuwing may kalamidad, laging tumulong ang Operation Damayan na pinangangasiwaan mismo ng anak ni Mam Betty na si Philippine Star President and CEO Miguel G. Belmonte at mga empleyado.

Sa kasalukuyan, may paunang tulong na P2.75 milyon na ipinamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao. Ito ay mula sa pinagsama-samang pondo ng Operation Damayan at mga donasyong ipinagkaloob ng Metrobank/GT Foundation na P1 milyon; LV-TGFHA P100,000; donors K, I na P50,000 at Jem Lim na P5,000 at ang bigay ng anonymous donor na P100,000. Nangungunang nagkaloob ng P1 milyon si Mr. Ramon Ang at P500,000 na mula naman sa SM Prime Holdings management and employees.

Ang paunang Operation Damayan na isasagawa ng Philstar Media Group ay ang mabiyayaan ng tulong ang mga taga-Cebu na pangangasiwaan ng mga empleyado at volunteers mula sa The Freeman, the  group’s Cebu-based publication. Sa mga nais na tumulong, maaring iparating ito sa pamamagitan ng Gcash (look for Payment Solution tab and search for Philstar Daily Inc.) o sa pamamagitan ng Paymaya app (click Scan to Pay, scan QR code and enter amount). Maari ring ideposito sa Philstar Daily Inc./Operation Damayan Metrobank Savings Account No.151-7-15152422-9, at i-email ang inyong deposit slip sa [email protected].

Maari ninyong kontakin si Ms Emie Cruz sa number 09174695009 o sa landline 8527-7777 local 2111. Ang inyong ibibigay na donasyon ay makatulong nang malaki sa mga nalugmok nating kababayan.

Maligayang Pasko sa lahat!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with